Kiana, pinayuhang ‘wag patulan ang mga nangha-harass na mga concertgoer!

Kiana

Pati ang anak ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na si Kiana ay hina-harass ng mga concertgoer na dumalo sa first night ng One More Time concert nito.

Nag-post ang unica hija ni Gary V ng kanyang appreciation message para sa ama pero pati roon ay pinutakti ng mga concertgoer na humihingi ng refund sa kanilang tiket sa concert.

Sa kanyang post ay sinabi niyang marami sa mga um-attend ay iniisip na aksaya lang sa pera, effort at oras ang naging concert nito pero para raw sa kanya, kung ang mga dumalo ay pumunta lang para ma-entertain, iisipin ng mga ito na failure.

Pero kung may alam ang mga ito tungkol sa mister ni Angeli Pangilinan, malalaman agad ng mga ito na ang purpose ni Gary V ay hindi lamang mag-entertain kundi maka-inspire rin.

Maaalalang nagsuka ito at na-dehydrate noong unang gabi ng kanyang concert at ginawa ang lahat ng makakaya para maitawid lang ang concert niya. Napilitan na lamang itong tapusin nang maaga dahil kinakailangan na niyang isugod sa ospital.

Maraming mga nagkokomento sa post ni Kiana ng refund at sinasagot niya nga ang mga ito.

Humingi siya ng tawad na hindi agad nasagot ang tungkol doon dahil naospital ito noon at holidays pa. Pero naniniwala raw siyang magkakaroon ito ng announcement soon. At humingi rin siya ng tawad sa naaksayang pera ng mga ito na ang tinutukoy ay ang rude comment ng isang concertgoer.

Sinabi noon na nagpapasalamat daw sila na maayos na ang lagay ni Gary at ginawa ang makakaya para makapag-perform pero hindi raw ang peptalk nito ang binayaran nila kundi ang performance level nito.

‘Kaloka.

Hindi iyon nagustuhan ng mga tagahanga ni Mr. Pure Energy.

Ang iba totoong fans naman ay sinabing nabitin man sila pero naiintindihan nila ang nangyari.

Payo ng mga ito ay huwag nang pansinin ni Kiana ang bashers dahil awesome ang tatay nito.

Sa huling bahagi ng post niya ay proud na proud daw siya sa tatay niya. Bongga.

Show comments