^

Pang Movies

Dennis, pang-oscar level ang atake!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Dennis, pang-oscar level ang atake!
Dennis

Walang humpay ang magagandang reviews sa pelikulang Green Bones na pinagbibidahan nina Dennis Trillo and Ruru Madrid. Sa opening day pa lang last Dec. 25 ay trending na ito sa X (Twitter) hanggang kinabukasan.

Since its showing, napakaraming papuri na ang natanggap ng pelikula mula sa mga nakapanood na at talagang pinag-uusapan ang napakahusay na pagganap ng dalawang bidang aktor.

Kaya naman parang nasa cloud nine sina Dennis at Ruru nang makatsikahan ng press last Thursday sa media screening na ginanap sa Cinema 76. Sey nga nila, hindi raw sila nakatulog sa kababasa ng magagandang comments.

“Grabe, sobrang nakakataba po ng puso at sabi ko nga, pinag-uusapan namin ni Kuya Dennis, hindi kami nakatulog, eh. Kasi kakabasa, lagi pong may bago at hanggang ngayon, wala pa po kaming nababasang… alam mo ‘yun, parang negatibong komento. It’s all praises at kung gaano sila naapektuhan sa pelikula, ano ‘yung mga realizations nila, ano ‘yung pakiramdam nila after nilang panoorin. Grabe, sobrang nakakataba po ng puso,” sey ni Ruru.

Isa nga raw sa best comments na nabasa nila ay ‘yung pang-Oscar daw ang pelikula dahil sa ganda nito.

“Nabasa namin ni Ruru ‘yung tungkol sa pag-mention niya (netizen) ng Oscar, sana raw, kung meron daw entry ang Pilipinas sa Oscar, ito na raw ‘yun. Parang wow! Sarap lang sa pakiramdam,” sey ni Dennis.

Sabi naman ni Ruru, “grabe, Oscar-worthy. Parang ‘yun na ‘yun, ‘di ba? Sabi ko nga, para po sa aking first MMFF, grabe, I’m just very grateful na makasama ko ang… grabe, para sa akin, si Kuya Dennis na ang pinakamahusay na nakatrabaho ko sa lahat.”

Kahit nga maraming nagsasabi na deserve na deserve ni Dennis ang Best Actor award, aniya ay hindi raw niya ito iniisip at nagpapasalamat na siya’t napasama sa 50th Metro Manila Film Festival ang pelikula na first venture rin nila ng misis na si Jennylyn Mercado sa pagpo-produce.

“Ayokong magpa-stress sa pagalingan. Ayokong magpa-stress sa paligsahan. Gusto ko lang, i-enjoy lahat ‘to dahil winner na ‘yung pakiramdam na napili ‘to sa daan-daang entries na nag-submit kaya do’n pa lang, blessed na, feeling blessed kami pareho,” ani Dennis.

Sobrang natutuwa nga rin ang aktor sa papuri ng misis niyang si Jennylyn sa kanyang pagganap sa pelikula.

“Nakakatuwa dahil ‘yun ‘yung pinaka-numero unong critic ko, eh. Bihira siyang manood ng mga projects ko, piling-pili lang. At dito, hindi ko inasahan na maiiyak talaga siya as in breakdown, ang tagal niyang maka-get over kahit tapos na ‘yung pelikula.

“So, du’n ko napatunayan na merong something itong proyekto na ‘to na kukurot talaga sa damdamin kahit sinong makakapanood dahil makaka-relate ka, eh. Simple lang ‘yung kwento pero powerful siya,” sey ni Dennis.

At heto na nga ang good news – from 47 cinemas noong first day of showing, nagdagdagan ito ng sinehan sa 2nd day at naging 69. At kahapon, on the third day ay 80 cinemas na ang Green Bones. Patunay ito na talagang pinapanood at hinahanap ng mga tao ang pelikula dahil na rin marahil sa magagandang reviews na natatanggap nito sa lahat ng social media platforms.

Samantala, tatlong beses kaming napaiyak sa movie at tagos talaga hindi lang sa puso kundi maging sa green bones namin ang kwento nito at ang napakahusay na performance nina Dennis at Ruru.

Ito ‘yung tipo ng pelikula na hanggang sa bahay ay dala-dala mo ang emosyon na naramdaman mo while watching the film. Bihira kaming makapanood ng ganito kagandang pelikula kaya naman binabati namin ang buong cast, ang direktor na si Zig Dulay at ang buong production team for a job well done.

DENNIS TRILLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with