Ellen at Derek, iniiwas ang anak sa ‘usog’
Ipinost ni Ellen Adarna ang family photo nila nung Pasko ni Derek Ramsay kasama ang baby girl nilang si Liana at si Elias, na anak ni Ellen sa aktor na si John Lloyd Cruz.
Ang gandang tingnan ng pamilya nila pero tinakpan ng mag-asawa ang mukha ng baby girl nila na kinaintriga ng mga netizen.
May isang netizen ang nagtanong kung bakit daw kailangang takpan iyon na sinagot naman ng misis ni Derek at sinabing para maiwasan ang evil eye.
Marami ang sumang-ayon sa kanya na masyado pa raw itong bata at baka mausog na pinaniniwalaan ng maraming Pilipino.
Depensa naman ng ibang netizen ay may privacy o tradisyon ang bawat magulang at hindi lamang daw ang mag-asawa ang ganun sa kanilang anak.
Meron daw ibang magulang na ayaw na basta-basta kinukuhanan ng litrato ang anak nila.
Sa ibang kultura nga raw ay may kanya-kanya silang ginagawa para maprotektahan ang mga sanggol sa bad vibes o energy.
Isa naman sa napansin ng mga tagahanga ni Ellen ay mas lalo raw itong gumaganda pagkapanganak. Ang fresh daw nitong tingnan.
Ganon din si Elias na anak nila ni Lloydie na lalong gumagwapo habang lumalaki.
Bongga.
- Latest