Mavy at Ashley, may lihim na relasyon?!
Totoo ba ang balitang kumakalat na may namamagitan na raw sa anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na si Mavy Legaspi at Kapuso actress na si Ashley Ortega?
Isang tingin daw sa social media account nila ay hindi agad mapapansin na may something sa kanila.
Pero may mga matanglawin na nag-stalk sa dalawa at napagtagpi-tagpi nila ang mga post ng mga ito.
Wala silang post na magkasama pero makikita raw ang pagkakapareho ng mga photo na pinost nila na nasa ibang anggulo lang.
Kagaya na lamang ng post nila sa kanya-kanyang Japan trip nila.
Pero kung titingnang maigi ay tila magkasama ang dalawa kung saan nilagyan ng kakambal ni Cassy Legaspi ng caption na “Konnichiwa” habang kay Ashley naman ay “You had me at konnichiwa.”
Tila matchy-matchy caption nga raw iyon.
Sa mga lugar na binisita nila ay parehong-pareho rin kaya mas nag-imbestiga pa ang mga lalong na-curious kung meron ba talagang namamagitan sa kanila gaya na lang ng pagpunta nila sa Disneyland.
Maaalalang sinabi ng aktor masaya siya sa pagiging single matapos nilang maghiwalay ng aktres na si Kyline Alcantara na hindi diumano masyado naging maganda ang breakup nila kung saan nasangkot din ang nanay ng aktor na si Carmina.
Well, wala namang masama kung sina Mavy at Ashley na dahil pareho naman silang single tutal masaya na rin naman ang ex niyang si Kyline sa anak ni Benjie Paras na si Kobe.
Bongga.
- Latest