“Unexpected” ang term na ginamit ni Marco Gumabao tungkol sa relasyon nila ni Cristine Reyes. Paano raw kasi, nang magkatrabaho sila for the first time noong 2015 sa Tubig at Langis ay ‘ate’ pa ang tawag niya rito.
“But of course, I’ve always had a crush on her before na,” kwento ni Marco sa panayam nila ni Cristine kay Karen Davila.
Time passed, nag-asawa si Cristine and got separated (and later annulled), dumating ang pandemic.
Noong time ng pandemic ay naging magkapitbahay daw sila at doon nagsimula na maging close sila dahil araw-araw silang nagwo-work out together.
“Lagi kaming nasa BGC, working out together. Tapos may isa pang tume-third wheel sa amin, si Jake Cuenca,” natatawang kwento ni Marco.
Unexpected daw dahil nagsimula lang sila bilang dalawang magkaibigan hanging out and working out together.
“Pero hindi naman namin alam na ‘yung feelings namin ang mawo-work out,” natatawa pa ring sabi ng aktor.
Ayon naman kay Cristine, after the separation from her ex-husband ay nagkaroon na siya ng apprehension na pumasok muli sa isang relasyon.
“I think, I had some apprehensions because I got burnt already, so, I feel like right now, masyado akong ‘yung very cautious,” ani Cristine.
Inayunan din niya na talagang unexpected ang pagkakaroon nila ng relasyon dahil wala raw talaga sa hinagap niya that time na magkaka-develop-an sila ni Marco.
Singit naman ng aktor, “I think na I’m also in the stage right now in my life na I can also accept the responsibility. Siguro, if you asked me 2 or 3 yrs ago, masasabi ko sa ‘yong hindi talaga.
“But going into this relationship, of course I knew what I was getting myself into and sabi ko, ‘what’s wrong with that?’ Wala namang problema do’n, ‘di ba? And so far, so good.”
Next month nga raw ay magse-celebrate na sila ng kanilang 2nd year of being together at para kina Marco and Cristine, they’ve found “the one.”
Bianca, todo ang pagmamalaki kay Ruru!
Labis ang pagmamalaki ni Bianca Umali sa boyfriend na si Ruru Madrid dahil sa husay na ipinamalas nito sa Green Bones na pelikula nila Dennis Trillo, one of the official entries to the 50th Metro Manila Film Festival.
Sa kanyang Instagram account ay abut-abot ang papuri ng aktres sa kanyang mahal. Aniya ay tinuturing niya itong idolo at nagpapasalamat siya na kanya raw si Ruru.
“Ikaw ang tunay na idol ko.
“Salamat mahal ko, at palagi mong ipinagmamalaki na ako ang inspirasyon mo. Pero sa totoo lang - baliktad - Ikaw ang sa akin at ipinagpapasalamat ko na ikaw ay akin. Bakit? Dahil maliban sa kahusayan mo, tinitingala kita dahil sa busilak mong puso, dahil likas na mabuti kang tao at dahil isa kang ehemplo na karapat dapat tularan. Kaya ka mahal ng Ama,” ang simulang mensahe ni Bianca kay Ruru.
Pinuri rin ng aktres si Dennis at buong produksyon ng Green Bones.
“Ang “GREEN BONES” ay isang obra maestra na tunay na kahanga-hanga at nakapagbibigay-inspirasyon. Sa buong produksyon - mula sa @gmapictures , @brightburnentertainment , direk @zigcarlo , hanggang sa lahat ng mga aktor na kabilang dito at lalong lalo na kina kuya @dennistrillo at @rurumadrid8 - ang inyong pangitain, pagkamalikhain, at dedikasyon ay nagbunga ng isang pelikula na walang alinlangang mag-iiwan ng pangmatagalang epekto sa mga manonood,” pahayag ni Bianca.
“Natutunan ko - na ang pagiging mabuting tao ay walang pinipili. Ikaw ang pumipili nun,” aniya pa.
Deklara pa niya, sobrang proud daw siya sa Green Bones.
“Proud ako dito. Sobra pa sa sobra. Panoorin po sana ninyo, maniwala po kayo sa akin. Maiintindihan ninyo kung bakit at hindi kayo magsisisi,” ani Bianca.