^

Pang Movies

MMFF, may katambal na kontrobersiya!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Isa sa biggest event ng Pinoy Christmas ang taunang Metro Manila Film Festival o MMFF dahil sa iba’t ibang mga pelikula na tampok ang marami sa paborito nating mga artista.

Kaabang-abang din kung sino ang mga mananalo sa MMFF Gabi ng Parangal.

At pahulaan din kung ano ang magiging top-gros­ser ng festival.

Pero hindi rin naman mawawala ang mga kontrobersiya sa MMFF dahil sa choice of winners, box-office results at kung anu-ano pa.

Balikan natin ang mga MMFF entries na naging kontrobersyal…

BURLESK QUEEN (MMFF 1977)

Nag-walk out ang award-winning director na si Lino Brocka sa awar­ding ceremonies ng 3rd MMFF noong maiuwi ng pelikulang Burlesk Queen, na pinagbibidahan ni Vilma Santos, ang walo sa sampung awards ng MMFF. Kasama na rito ang best picture. 

Balita pang naglitanya raw si Brocka sa chairman ng board of judges ng MMFF that year na si Rolando Tinio dahil sa ginawa nilang pagpili ng winners sa taong iyon. 

Nagkaroon pa ng balitang pinababalik ng MMFF ang trophies na napanalunan ng Burlesk Queen. Pero ayon kay Vilma, wala raw gano’ng pangyayari at nasa kanila pa ang trophies na napanalunan ng pelikula nila.

ATSAY (MMFF 1978)

Walang in-award na Best Actor, Best Actress, Best Supporting Actor and Best Supporting Actress sa 4th Metro Manila Film Festival dahil nagdesisyon ang mga hurado na magbigay ng Best Performer award at napunta iyon kay Nora Aunor para sa pelikulang Atsay. 

Matunog pa naman daw ang labanan sana for best actress between Nora and Vilma Santos na ang entry ay ang pelikulang Rubia Servios. Maraming mang­huhula ang nag-predict na si Vilma ang mananalo. 

Pero noong awards night, si Nora ang nagwagi at dito naging pamoso ang sinabi ni Nora onstage na “Mama, mali ang hula nila!”

BAGO KUMALAT ANG KAMANDAG (MMFF 1983)

Nagulat ang lahat nang si Coney Reyes ang manalo bilang best actress at Anthony Alonzo as best actor sa 9th MMFF para sa pelikulang Bago Kumalat Ang Kamandag. 

Hindi ini-expect ng marami iyon dahil mabigat ang kalaban nina Coney at Anthony sa taong iyon tulad nina Charito Solis, Phillip Salvador, at Vic Silayan para sa pelikulang Karnal. 

Nauwi rin ni Willie Milan ang best director award for Bago Kumalat Ang Kamandag over Marilou Diaz-Abaya for Karnal. Muli ay kinuwestiyon ni Lino Brocka ang desisyon ng MMFF board of jurors.

HALIMAW SA BANGA/KOMIKS (MMFF 1986)

Ang pelikulang Halimaw sa Banga/Komiks ang tanging nanalo bilang 3rd best picture sa 12th MMFF dahil walang binigay ang board of jurors na award for best picture, 2nd best picture, best story at best screenplay. 

Ayon sa isa sa jurors na si Tingting Cojuangco: “No one of the seven entries deserved these awards. We would like to express our concern over the current state of the Philippine movie industry as reflected in the entries to the year’s MMFF. The entries failed to reinforce and inculcate positive Filipino values by portraying negative stereotypes, imitating foreign films and perpetuating commercially-oriented movies...” 

Kabilang sa nalungkot sa desisyon na ito ng jurors ay si German “Kuya Germs” Moreno na umasa noon na makakakuha ng award ang kanyang official entry na Payaso na dinirek ni Celso Ad Castillo. 

PATROLMAN (MMFF 1988)

Biglang naging bukambibig ang pangalan na Baldo Marro dahil siya ang tinanghal na best actor sa 14th MMFF para sa pelikulang Patrolman. 

Tinalo lang naman niya for best actor sina Christopher de Leon for Magkano Ang Iyong Dangal? at Fernando Poe Jr. for Aguila Ng Maynila. 

Natalo rin ang director na si Chito Roño para sa pelikula nitong Itanong Mo Sa Buwan dahil binigay ang award kay Laurice Guillen for Magkano Ang Iyong Dangal?

BAGONG BUWAN AND YAMASHITA: THE TIGER’S TREASURE (MMFF 2001)

Bigo na manalo nilang best picture ang Bagong Buwan sa 27th MMFF at napunta ito sa pelikulang Yamashita: The Tiger’s Treasure kaya sobrang na-disappoint ang bida nito na si Cesar Montano kahit na siya ang hinirang na best actor. 

Sa kanyang interview, sinabi niya: “For me, Bagong Buwan is still the best picture. No offense meant, but for others, Yamashita may be the best picture. Kanya-kanya ‘yan. Wala nga lang kaming trophy. Bibili na lang kami ng trophy sa Recto!”

DEKADA ‘70, SPIRIT WARRIORS: THE SHORTCUT, AND ANG AGIMAT: ANTING-ANTING NI LOLO (MMFF 2002)

Nag-walk out ang cast ng MMFF na Dekada ‘70 sa awards ceremony pagkatapos itong hindi manalo bilang best story at best screenplay for Lualhati Baustista.

Kinuwestiyon din ang pagkapanalo ni Ara Mina over Vilma Santos sa best actress award. Naging kontrobersyal din ang pagkapanalo ng Spirit Warriors: The Shortcut as 3rd best picture dahil na-disqualify na ito as an official entry. 

Kinuwestiyon din ang best visial effects award ng Ang Agimat: Anting-An­ting ni Lolo dahil mono pa raw ang gamit nila kumpara sa Dolby Digital system ng Spirit Warriors.

BLUE MOON AND KUTOB (MMFF 2005)

Nag-walkout ang direktor na si Joel Lamangan pagkatapos igawad ang best director kay Jose Javier Reyes para sa pelikulang Kutob. 

ENTENG KABISOTE 3: OKAY KA, FAIRY KO: THE LEGEND GOES ON AND ON AND ON (MMFF 2006)

Noong manalong best picture ang Enteng Kabisote 3, nagulat ang lahat dahil hindi nila inaasahan na isang commercial movie ang tatalo sa mga kalaban nito na Ligalig, Matakot Ka Sa Karma at Kasal, Kasali, Kasalo. At iyon lang ang award na napanalunan ng Enteng Kabisote 3. 

Nagprotesta ang Star Cinema at sumalat pa sila sa MMFF Chairman na si Bayani Fernando saying na deserve na manalong best picture ang Kasal, Kasali, Kasalo nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

MANILA KINGPIN; THE ASIONG SALONGA STORY (MMFF 2011)

Tumanggi namang tanggapin ni film director Tikoy Aguiluz ang kanyang best director award para sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story na bida si ER Ejercito dahil “the movie was edited without his consent beyond his recognition.” 

HONOR THY FATHER (MMFF 2015)

Nag-ingay sa media si Direk Erik Matti dahil nakarating sa kanya na disqualified ang kanyang MMFF entry na Honor Thy Father na bida si John Lloyd Cruz sa best picture category dahil na-screen na raw ito sa Cinema One Originals. Wala raw gano’ng rules kaya nagpaimbestiga si Matti sa pangyayaring ito.

INDEPENDENT FILMS (MMFF 2016)

Ni-reject ng Executive Committee ng taong iyon ang entries ng mga certified box-office drawers in favor of independent films na Oro, Sunday Beauty Queen, Kabisera at Saving Sally.

Mga naligwak ay The Super Parental Guardians nina Vice Ganda at Coco Martin; Enteng Kabisote 10 and the Abangers ni Vic Sotto; Mano Po 7: Tsinoy ni Richard Yap at Mang Kepweng Returns ni Vhong Navarro.

Ito ang pinakamababang kinita ng MMFF na umabot lang sa ?373 million.

MMFF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with