Kinaya ang 2nd night pagkalabas ng hospital... Gary V., hindi na uulit ng concert sa malaking venue?!
Matapos ang isang health scare noong Biyernes ng gabi, nang maputol ang Araneta Coliseum concert ni Gary Valenciano dahil sa pagsusuka, manghina, nagkaroon ng dehydration, natuloy ang second night ng Pure Energy: One More Time concert.
Dalawang beses habang nagpe-perform, tinutukan ang kanyang blood pressure para masiguradong maayos pa rin siya para magpatuloy sa pagpe-perform.
“I wasn’t sure if I could do this concert tonight after battling with severe hydration,” sabi ni Gary na diabetic since 14.
“I’m really taking my time because I want to finish this show for you. I’m not running on empty because I’m running on the fuse of God.”
Maayos na natapos ang concert na mahigit dalawang oras.
Ito na raw muna ang huling concert ni Gary sa malaking venue.
John, umaray sa mahal na bilihin
Umangal ang magaling na actor na si John Arcilla sa pagtaas ng bilihin ngayon.
Napamura pa ang actor: “Hindi ako nagyayabang na mas mataas ang kita ko sa average na wage earner at sa mas MARAMING PILIPINO. Pero PUNYETA ang taas na ng bilihin ngayon ng BASIC COMODITY sa palengke.”
Kinumpara niya pa noon na apat na libo lang noon, pang-isang linggo na ang mabibili nun : “Mga 5-6 years ago yung 3-4 na libo pang 1 linggo na kasama na dun ang GULAY, ISDA at KARNE. (1,500 na gulay PAMALENGKE, 1,500 na isda at karne) Ngayon pamalengke ng isang linggo 8-10 thousand pesos.”
Dagdag pa niya : “Kumikita ako ng mataas sa karaniwan. PERO NALULULA NA AKO SA GASTOS. PAANO PA YUNG SIMPLENG MAMAMAYAN? Kala ko ba TITINO NA TAYO? Ano na?”
Sumang-ayon naman ang marami niyang followers at pulos pagdaraing sa mahal na bilihin sa kasalukuyan ang komento nila.
- Latest