Windang naman ako sa mga fake news na pumanaw na si Kris Aquino.
Kaloka talaga ang mga fake news spreader.
Walang patawad kahit Pasko.
Pero tulad sa inaasahan, buhay na buhay si Kris sa nakita kong picture na may pinadala sa akin ni Salve.
Paano nga naman ‘yun mangyayari eh ang sabi nga papalakas na si Kris.
Saan naman kaya nanggaling ‘yung kuwentong namatay si Kris? Hay kaloka.
Basta Kris, andito lang kami lagi para sa ‘yo.
Patuloy kang magpagaling para bongga.
Alam kong hindi man kasing lakas ng dati pero gagaling ka.
Belle, nakaalala
Ang bongga ni Belle Mariano. Bihira akong ma-impress sa mga ginagawa sa akin ng mga star pero kahit pa nga ang management ni Belle ang gumagawa nito, gusto ko pa rin silang pasalamatan.
Nakakatuwa na nakakatanggap ako ng mga bagay na galing sa kanila kahit pa nga hindi ko pa na meet o nakilala si Belle in person.
Napapanood ko siya at nababasa, pero ‘yung chikahan talaga, wa pa.
Kaya talagang nagugulat ako naalala nila ako. Very appreciative ako dahil iyon thoughtfulness nila kapuri-puri.
May pagka-sentimental pa naman ako lately kaya talagang tinatamaan ako pag nakakatanggap ng mga regalo.
Talagang million thanks Belle Mariano, very grateful.
Malaking bagay sa akin ang sweetness mo.
Bongga.