Online show ni Chavit, may 1 million views na!

Manong Luis “Chavit” Singson

Uy, pumalo na sa mahigit 1 milyon ang mga tagasubaybay ng ika-5 episode ng 58 Days ng Milyong-Milyong Pa-Premyo, ang pinakamataas na tala ng viewership ng online game show ni Manong Luis “Chavit” Singson, isa sa mga senatoriables sa 2025 midterm elections.

Nagsimula man sa 226,000 views nitong Disyembre 15 ngayong taon, hindi naman nagpatinag ang team ni Chavit upang abutin ito na kanila namang itinuturing na bunga ng kanilang pagsisipag. Ayon sa kanyang campaign team, hindi nila inaakala na ang programa na kanilang binuo ay maghahatid pala ng tuluy-tuloy na ligaya’t-saya sa social media followers nito araw-araw.

Ang online game show, kasama si Manong Chavit at ang kwelang host ng programa na si Jourdan Sebastian ay namimili ng 58 na mananalo ng P5,800 araw-araw at isa ring lucky winner ng P58,000, na ang premyo ay maaari pang lumaki depende sa araw na iyon.

Sa gitna ng game show, tila nahabag ang senatoriable mula sa Ilocos Sur ng makilala ang lucky winner noong Huwebes na si George mula sa probinsya ng Quezon, na kamuntikan pang hindi manalo dahil sa hindi pagkakasagot ng tawag mula sa organizer ng show.

Gayunpaman, minabuti pa rin ni Manong Chavit na ibigay ang paprem­yo na mariin pa ring nagpaalala na tumutok sa show upang manalo.

Nang tanungin kung saan niya gagamitin ang napanalunan, malaking tulong umano ito na para sa pagpapagamot ng anak na may sakit. Bukod pa rito, namigay rin si Manong Chavit ng P5,000 sa humigit-kumulang 100 katao na nasa live audience ng programa, na ayon sa kaniya ay maagang pamasko.

Ani naman ng program host na si Sebastian, mabuting i-download ng mga mano­nood ang VBank PH app para sa hassle-free online transactions at upang makasali na rin sa araw-araw na raffle draw.

Ang programa noong Huwebes ay umani na ng 29,000 reactions, 212,500 na mga komento at 13,000 shares.

Online show ni Chavit, may 1 million views na!

MC

 

MANILA, Philippines — Uy, pumalo na sa mahigit 1 milyon ang mga tagasubaybay ng ika-5 episode ng 58 Days ng Milyong-Milyong Pa-Premyo, ang pinakamataas na tala ng viewership ng online game show ni Manong Luis “Chavit” Singson, isa sa mga senatoriables sa 2025 midterm elections.

Nagsimula man sa 226,000 views nitong Disyembre 15 ngayong taon, hindi naman nagpatinag ang team ni Chavit upang abutin ito na kanila namang itinuturing na bunga ng kanilang pagsisipag. Ayon sa kanyang campaign team, hindi nila inaakala na ang programa na kanilang binuo ay maghahatid pala ng tuluy-tuloy na ligaya’t-saya sa social media followers nito araw-araw.

Ang online game show, kasama si Manong Chavit at ang kwelang host ng programa na si Jourdan Sebastian ay namimili ng 58 na mananalo ng P5,800 araw-araw at isa ring lucky winner ng P58,000, na ang premyo ay maaari pang lumaki depende sa araw na iyon.

Sa gitna ng game show, tila nahabag ang senatoriable mula sa Ilocos Sur ng makilala ang lucky winner noong Huwebes na si George mula sa probinsya ng Quezon, na kamuntikan pang hindi manalo dahil sa hindi pagkakasagot ng tawag mula sa organizer ng show.

Gayunpaman, minabuti pa rin ni Manong Chavit na ibigay ang paprem­yo na mariin pa ring nagpaalala na tumutok sa show upang manalo.

Nang tanungin kung saan niya gagamitin ang napanalunan, malaking tulong umano ito na para sa pagpapagamot ng anak na may sakit. Bukod pa rito, namigay rin si Manong Chavit ng P5,000 sa humigit-kumulang 100 katao na nasa live audience ng programa, na ayon sa kaniya ay maagang pamasko.

Ani naman ng program host na si Sebastian, mabuting i-download ng mga mano­nood ang VBank PH app para sa hassle-free online transactions at upang makasali na rin sa araw-araw na raffle draw.

Ang programa noong Huwebes ay umani na ng 29,000 reactions, 212,500 na mga komento at 13,000 shares. — MC

Show comments