Sen. Bong, pinaligaya ang mga senior!

Bong Revilla.

Super love talaga ni Sen. Bong Revilla ang senior citizens. Patunay ang Expanded Centenarian Law nito na siya mismo ang principal author at sponsor ng batas.

Kaya hiyawan ang mga lolo at lola sa kanilang Christmas party sa Queen’s Central sa Bacoor, Cavite kamakailan. Panay ang palakpakan nina lolo at lola habang ipinaliliwanag ni Conci. Rey Palabrica ang nasabing batas. Dagdag benepisyo para sa mga lolo at lola ang P10,000 tuwing pagsapit nila ng 80, 85, 90, at P100,000 kapag tumuntong naman ito ng 100 years old.

Pinapatupad na rin ang libreng gamot para sa kanilang maintenance. Basta ipakita lang ang kanilang reseta sa health center.

Mas lalo pang umi­ngay ang sigawan nang sabihin na lahat nang mamamatayan ng kamag-anak ay sagot ng LGU ng Bacoor ang pagpapalibing.

Pati lamay ah, sagot ng munisipyo ng Bacoor na tinatawag na “People’s Funeral.”

Ibinalita rin ni Kapitana Cathy Palabrica ang ibang pang batas na pinatutupad na sponsor ni Sen. Bong Revilla tulad ng ipinagbabawal na ang “no permit” “no exam” para sa mga estudyante.

Marami pang project si Bong Revilla at pamilya nito sa pamumuno ni Mayor Strike Revilla para sa bayan ng Bacoor.

Ed, tumatak sa blind item na mahirap hulaan

Mula po sa pamilya ng Pang Masa, ang aming buong pusong pakikiramay sa mga naulila sa pagpanaw ni Tito Ed De Leon.

Kabilang nga sa mga nagluluksa si Ate Vi (Vilma Santos) na naisulat na ng aming editor na si Salve Asis.

Mabuting kaibigan si Tito Ed.

Lagi kang asar-talo kay Tito Ed, tuwing kinikilig ako sa mga crush ko sa showbiz. Laging kontra si Tito Ed, dahil puro may mga kulay berdeng dugo raw ang mga type ko.

Lagi ko ring naririnig sa isipan ko ang halakhak ni Ogie Diaz tuwing binabasa ko ang blind items ni Tito Ed. Dahil sabi ni Ogie D. ay mahirap daw hulaan ang blind items nito.

Mami-miss ko rin ang mga off the record na mga kuwento ni Tito Ed.

Nalulungkot kami ni Salve, dahil si Tito Ed, ang isa sa huling katropa ni Tita Vero Samio sa hanay ng senior writers at mentor namin.

Hanggang sa muli, Tito Ed. Rest in Peace!

Show comments