How true na wanted ang veteran actor na ito dahil sa pagtangay nito ng perang pinaipon sa kanya?
Ayon sa kuwento ng aming source, nagtatago raw ang veteran actor dahil tinangay nito ang pinaipong pera ng co-veteran actors niya para may panggastos sila sa Pasko at Bagong Taon.
“Si veteran actor daw nag-suggest sa mga kaibigan niyang aktor na magkaroon sila ng Christmas saving. Since hindi raw sila regular na may trabaho, malaking tulong kung mag-iipon sila para may pera sila ngayong Pasko.”
Nagsimula raw silang magbigay ng tig-P200 every week simula pa noong May. Fifteen silang sumama kaya P3,000 ang natatanggap every week ni veteran actor para itago. Bago mag-Pasko ay paghahatian nila ang naipon.
Ang naging problema ay biglang nag-disappear ang veteran actor pati na ang perang pinaipon nila rito.
“Walang raw alam ang pamilya ni veteran actor sa ginawa nito sa mga kaibigan. Basta na lang daw umalis ito at sinabing may taping siya sa Baguio. ‘Di raw nila alam ang tungkol sa perang dala nito,” sey ng source.
May bisyo pa naman daw na magsugal si veteran actor. Sa laki ng perang hawak niya, malamang ay sinugal na niya ito sa kunsaang casino.
Kokoy, tuhog sa MMFF
Dalawa pala ang pelikula ni Kokoy de Santos sa 2024 Metro Manila Film Festival: Topakk at And The Breadwinner Is…
“Ang saya! Ngayon na lang talaga ako ulit nakapanood ng legit na action movie na gawang Pinoy at mapasama pa rito. Ang sarap sa feeling, siyempre, kasi isang entry ito sa MMFF. Ang saya, quality!” sey ni Kokoy sa action film na Topakk na bida sina Arjo Atayde at Julia Montes.
Dramedy naman daw ‘yung pelikula with Vice Ganda.
“Nagkataon, sobrang bait ni Lord sa akin. Sobrang na-bless tayo ngayong taon. ‘Yun, hindi ko pa napapanood, pero excited din ako. Sobrang magkaiba kasi. Ito naman kay Vice, drama and comedy. Ang saya!”
Pagkatapos ng MMFF, abangan si Kokoy sa bagong action-drama series na Mga Batang Riles sa GMA Prime.
American Rapper Sean ‘Diddy’ Combs, sa kulungan magpa-pasko!
Sa kulungan magpa-Pasko ang American rapper na si Sean “Diddy” Combs dahil na-deny for the fourth time ang petition niya for bail.
Sa Metropolitan Detention Center in Brooklyn naka-detain si Diddy. Ayon sa report ng Us Weekly: “The holidays will be especially hard for the family without their father. The family will be honoring him on Christmas. They’re trying to speak to him as much as they can.”
Pito ang mga anak ni Diddy na sina Quincy, (33), Justin (30), Christian (26), Chance (18), twins D’Lila and Jessie (17) and Love (2). Ang ina ni Diddy na si Janice Combs ang kasama ng mga bata sa Pasko.
Sa May 2025 ang trial niya for charges of racketeering, conspiracy, sex trafficking, and transportation to engage in prostitution.