^

Pang Movies

Sen. Robin, ‘di nagsinungaling sa paggamit ng marijuana!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sen. Robin, ‘di nagsinungaling sa paggamit ng marijuana!
Robin

Natutuwa si Sen. Robin Padilla at unti-unti nang nagkakaroon ng linaw na maaprubahan ang kanyang isinusulong na bill at ito ay ang pagle-legalize ng paggamit ng medical marijuana or medical cannabis sa ating bansa.

Actually ay matagal nang nai-file ni Sen. Robin ang Senate Bill (SB) No. 2573 or the Cannabis Medicalization Act of the Philippines pero dahil marami ang kumokontra rito ay hindi ito umuusad.

“Sa matagal na panahon po lagi po itong umaabot ng third reading sa House pero pagdating po sa Senate hindi po ito tumatakbo. Siguro po dahil sa generation gap dahil matagal sa panahon na ‘yung mga nakaupo din sa ating Senado, sa atin pong mataas na Kapulungan ay medyo nakatatanda,” pahayag ni Sen. Robin sa presscon na ginanap last Thursday.

“Ang mga nakaupo po ngayon na mga senador ay mas kaedad po natin, mas naiintindihan na po nila kung ano ang benepisyo ng cannabis. Kaya po ngayon umabot na po kami sa interpellation,” aniya.

Nasaksihan mismo ni Robin ang bisa ng medical cannabis sa mga taong may sakit nang magpunta siya sa Israel at Prague kamakailan.

“Nu’ng magpunta po ako do’n, medical cannabis ang kanilang ginagamot po sa number one, sa kanilang mga matatanda, sa pain, cancer and old people.

“When I went to Israel, I went to the lab (laboratory), they showed me the difference between recreational and medicinal cannabis. Kasi alam n’yo ‘yung recreational, kahit saan lang ‘yan.

“Pero iba po ang medical, malinis, lahat. In-explain po nila ‘yun. Pinakita nila kung ano ang hitsura ng lab nila o paano ginagawa ‘yung oil, malinis po talaga,” he said.

Dinala rin daw siya sa nursing home ng Israel at nakita niya rin mismo na ginagamit ang cannabis oil sa mga inaalagaang Israelis doon.

“Sa Prague, ang specialty nila is not oil. Capsule ang kanila. Pero same lang din,” kwento niya.

Bukod nga sa magandang naidudulot nito sa ating kalusugan, very affordable pa raw ang medical cannabis at kayang-kaya ng ating mga mahihirap na kababayan.

Hindi raw tayo dapat matakot kung may mga taong aabusuhin ang medical marijuana dahil wala raw itong negative effect sa ating kalusugan at nakakabuti pa nga.

Isa nga rin daw sa dahilan kung bakit niya ipinu-push ang paggamit ng medical cannabis ay dahil siya rin mismo ay kailangan niya ito for his health.

“Alam mo naman, stuntman din tayo noong araw. So, I have a broken back, broken neck, mga sunog, lahat. So, ang ibinibigay sa akin ng doktor ay Demerol o ‘yung morphine tab,” aniya.

There was a time na na-addict daw siya sa Demerol because of his pain. Mabuti na lang daw at natigil nang makulong siya.

Na-try na rin daw niya noong araw ang recreational marijuana at ibang-iba raw ito sa medical cannabis.

“Siyempre, na-experience natin ‘yung recreational noong araw pa. Hindi naman tayo nagsisinungaling, ano? That is why I’m the Bad Boy of the Philippine movies (tawag sa kanya noon). We experienced everything.

“Pero siyempre, iba ‘yung medical cannabis. We cannot compare medical cannabis to recreational marijuana. Malayong-malayo po,” aniya.

ROBIN PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with