School ng anak ni Yasmien, todo deny sa bullying!
Mariing itinanggi ng Colegio San Agustin (CSA) Makati na may pambu-bully na nagaganap sa anak ni Yasmien Kurdi na si Ayesha.
Sa official statement na inilabas ng nasabing eskuwelahan, nakasaad dito na walang bullying na naganap kundi nagkaroon lang daw ng diskusyon ang mga estudyante.
“It is unfortunate that an incident among minor students have been blown out in the public.
“At the outset, there appears to be no bullying that happened on December 10, 2024, but rather a situation where students were discussing about Christmas party preparations.
“The school has immediately addressed the matter among the students and parents involved.
“The school is handling the matter with caution, circumspect, and confidentiality because the students involved here are minor children,”bahagi ng statement ng CSA.
Hihiniling ng paaralan kay Yasmien na makipag-cooperate at pinag-iingat din siya sa pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa mga menor-de-edad na estudyante.
“We encourage the parents, especially Mrs. Soldevilla, to cooperate with the school so that matters can be resolved within the school mechanisms in place pursuant to its policies in compliance with relevant DepEd Orders.
“We also caution Mrs. Soldevilla to refrain from sharing information about the minor students as this tends to put them in a bad light, embarrassment, and even ridicule, not only in CSA but in the eyes of the public.
“While we assume good faith in the public actions and statements of Mrs. Soldevilla, these may have unintended consequences on the students involved including her own daughter.
“We acknowledge that she is a public personality and perhaps used to public attention, but the other parties especially the minor students value their privacy and hence deserve respect too.
“The school environment is a place where there’s constant interaction among students, which results almost always to emotions of joy, even frustration and anger,” nakasaad pa sa statement.
Matatandaang ibinunyag ng aktres kamakailan na binu-bully ang kanyang anak ng classmates nito sa school.
Ara, pinagmalaki ang negosyo ng mister
Proud na proud si Ara Mina sa kanyang mister na si Dave Almarinez dahil talagang naka-focus ito ngayon sa bagong negosyong binuksan nila, ang PeekUp na first-ever ride-hailing app na 100% Pinoy-owned.
This year lang nila ito ini-launch at ngayon ay nakikipagsabayan sa iba pang ride-hailing apps sa bansa.
“Ipinagmamalaki ko itong ginawa ng mister ko dahil tayo ang kauna-unahan at nagpakilala ng sistemang PIN-Based Ride dito sa Pilipinas,”sey ni Ara.
Ang nasabing booking system ay sa pamamagitan ng streamlining kung saan ang mga pasahero ay makakatanggap ng PIN kapag magre-request ng kanilang rides. Kung hindi pa available ang ibinu-book na driver at sasakyan, isi-share lang nila ang naturang PIN sa susunod na driver at sasakyan na nasa designated pick-up areas na. May nakaabang naman kaagad na ride kaya hassle-free na sa paghihintay ang mga pasahero.
Ayon naman kay Dave Almarinez na CEO ng PeekUp, “Ginawa namin ang PIN-Based Rides para sa aming mga mahal na pasahero para magkaroon sila ng mas mabilis at smooth na biyahe. Mahalaga din na maihatid namin sila sa kanilang mga pupuntahan sa tamang oras at walang hassle.”
Samantala, kasalukuyan ding abala ang mag-asawa sa nalalapit na Pasko. Taun-taon ay hinihintay raw nila ang panahong ito para maski paano ay makapag-break sila sa kanilang mga trabaho at makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
Ngayong 2025 naman ay abangan natin ang mas marami pang proyekto ni Ara Mina mula sa acting, pagpi-perform at business.
- Latest