^

Pang Movies

AiAi at Rufa Mae, nagkapareho ng buhay

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
AiAi at Rufa Mae, nagkapareho ng buhay
Rufa

Alam mo, Salve A., pareho ang kapalaran nina AiAi delas Alas at Rufa Mae Quinto na parehong hiniwalayan ng kanilang mga mister. Pareho ring naka-base na sa Amerika sina AiAi at P-chi (palayaw ni Rufa Mae) kasama ang kanilang respective ex-husbands na sina Gerald Sibayan at Trevor Magallanes. Pareho ring mas bata kina AiAi at P-chi ang kanilang naging mister.

Since nasa Maynila ang trabaho nina AiAi at P-chi, pabalik-balik sila ng Pilipinas at Amerika.

It was only in 2021 nang mag-relocate ang dating mag-asawang AiAi at Gerald habang si P-chi naman ay may sariling bahay in San Francisco, California, USA kung saan naka-base ang kanyang (dating) mister. 

Ang kaibahan lamang sa dalawa ay may anak sina P-chi at Trevor at wala namang anak sina AiAi at Gerald na siya umanong dahilan kung bakit iniwan ni Ge­rald ang kanyang misis dahil gusto nitong magkaanak na malabo nang maibigay sa kanya ng kanyang misis dahil sa edad nito.

Forty-nine years old na si AiAi at 20 naman si Gerald nang magsimula silang magkaroon ng relasyon in 2014 na nauwi sa kanilang enggrandeng kasalan nung December 2017.

Hindi man lamang hinintay ni Gerald ang 60th birthday celebration ni AiAi last November maging ang Pasko at Bagong Taon.

Since magkaibigan sina Gerald at panganay na anak ni AiAi na si Sancho, hindi maiwasan ng huli na sumama ang loob sa kanyang kaibigan at dating stepfather gayundin ang dalawang nakababatang kapatid ni Sancho na sina Nicolo at Sofia dahil sa kawalan umano ng respeto nito sa kanilang ina na siyang sobrang nasaktan sa ginawa sa kanya at sa kanilang magkakapatid na buong puso siyang tinanggap sa kanilang buhay.

Nasa stage na ngayon si AiAi ng moving on matapos pumalya na naman ang kanyang lovelife.

In fairness to Rufa Mae o P-chi, hindi ito nagsalita tungkol sa problema nilang mag-asawa the last time she was in Manila. 

Kung hindi pa nag-post ang kanyang mister na si Trevor na pinu-process na umano ang kanilang divorce ay hindi pa malalaman ng publiko na hiwalay na pala ang (dating) mag-asawa at ang tiyak na maiipit ngayon ay ang kanilang 7-year-old daughter na si Alexandria Athena.

Gary, tinago rin ang kasal ng anak!

Last Dec. 14, 2024 lamang nalaman ng publiko na isang taon na palang kasal ang bunso at mag-isang anak na babae ng mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan-Valenciano na si Kiana sa kanyang non-showbiz husband na si Sandro Tolentino.

Isang taon ding naitago ng mag-asawa maging ng kanilang respective parents and friends ang kasal nina Kiana at Sandro.

On their first wedding anniversary ay doon lamang nagsimulang mag-post si Kiana, her parents and friends nang may kinalaman sa wedding nila ni Sandro.

RUFA MAE QUINTO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with