Julia, may pinakilalang bf

Julia Barretto

Nakabantay si Gerald Anderson sa post ng Viva Films lalo na nung nagkaroon ng announcement na PG ang rating ng entry nila sa 2024 MMFF na Hold Me Close, na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Carlo Aquino. Nanguna ang pangalan ng boyfriend ni Julia sa mga nag-like sa post na ‘yun.

Kagabi, ginawa ang premiere night ng nasabing pelikula na sa trailer pa lang, marami na ang naengganyong panoorin ito na dinirek ni Jason Paul Laxamana.

Bago pa ang showing ng movie na magsisimula sa Dec. 25, may mga nabasa na ka­ming comment ng fans na hindi sila nag-i-expect ng happy ending ng Hold Me Close dahil ang mga pelikula raw ni Carlo ay hindi happy ang ending.

And speaking of Julia, ipinakilala nito sa followers niya sa Instagram si Fitz, ang giant poodle na regalo sa kanya ng ni Gerald. Ang ganda ng fur baby ni Julia na ang sabi, “Just me and my giant best friend.”

Daimos, gagawin din ng GMA?!

Totoo ba ito? Ang Philippine adaptation daw ng Daimos ang isusunod ng GMA Network sa Voltes V: Legacy. Balitang may pag-uusap na sa pagitan ng GMA Network at Toes tungkol dito.

Kapag natuloy ang Philippine adaptation nito, ito na ang second-highest-budgeted series ng GMA.

Kung matutuloy, baka next year na ito gagawin ng GMA o puwede rin sa 2026 dahil magastos ito at milyones na naman ang kailangang budget.

Hilda, gagawin ang Sisa

Announcement pa lang ni Atty. Joji Alonso na magbabalik-pelikula na si Hilda Koronel, marami na ang excited. Ang tagal nang hindi gumagawa ng pelikula ang magaling na aktres at limited ang balita sa kanya dahil based in the US na siya, kaya naman ikinatuwa ng fans niya ang good news ng Quantum Films producer.

Sa kanyang Facebook page, ikinuwento muna ng movie producer na fan siya ni Hilda mula nang mapanood niya ito sa Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag at Insiang ni Lino Brocka at Kung Manga­rap Ka’t Magising ni Mike de Leon. Hanga siya sa ganda at talent ni Hilda. “Before the year ends, Ms. Hilda Koronel starts work on Jun Robles Lana’s SISA, a historical thriller about a woman who defies expectation in an era when women were meant to be silent.”

‘Yun pa lang ang binanggit ni Atty. Joji, looking forward na ang marami sa acting comeback ng mahusay na actress.

In the meantime, busy si Atty. Joji sa 2024 MMFF entry nila ng Quantum Films, Cineko Productions at Purple Bunny ni Judy Ann Santos na Espantaho. Sa Dec. 25 na ito simulang mapapanood sa direction ni Chito Roño, pero nakakadalawang palit na ng poster ang mga producer.

Show comments