FranSeth, nahasa na ang akting
Napakasuwerte ng magka-loveteam (at magkasintahan?) na sina Francine Diaz at Seth Fedelin o FranSeth dahil sinugalan sila ng Regal Entertainment sa kanilang debut movie, ang 50th Metro Manila Film Festival entry na My Future You na mapapanood na ngayong Pasko, Dec. 25. At nagkaroon ito ng isang successful red carpet premiere night ang ginanap sa SM Megamall Cinema 2 last Monday, Dec. 16 na present sina Francine at Seth Fedelin kasama ang iba pang bumubuo ng cast, ang writer-director na si Crisanto Aquino at ang film producers, ang mag-inang Roselle Monteverde at Keith Ryan Monteverde Teo among others.
Although parehong baguhan ang dalawa sa paggawa ng pelikula, nahasa na rin sila sa acting sa pamamagitan ng kanilang TV series na pinagsamahan tulad ng Kadenang Ginto, Huwag Kang Mangamba at Dirty Linen.
Thankful pareho sina Francine at Seth sa mag-inang Roselle at Keith dahil nagtiwala sa kanila for their first movie. “We’re so blessed!” pahayag ng dalawa.
Vic Sotto, ‘di na bago sa drama
Ang paggawa ng drama scenes ay hindi na bago sa actor-comedian, TV host and producer na si Vic ‘Bossing’ Sotto dahil ginagawa niya ito taun-taon sa Holy Week special presentation ng Eat Bulaga.
Ang pagda-drama ay muling patutunayan ni Bossing (Vic) sa kanyang pinakabagong MMFF movie, ang The Kingdom kung saan niya kabituin si Piolo Pascual na napakahusay in this movie na tinatampukan din nina Cristine Reyes, Sid Lucero, Sue Ramirez, Ruby Ruiz, Iza Calzado at Cedric Juan, ang tinanghal na 2023 MMFF Best Actor for GomBurZa. Ito’y dinirek ni Michael Tuviera at magkakatulong na kinu-produce ng MZet Films, MediaQuest at APT Entertainment.
Isang family drama ang The Kingdom where Vic plays the role of the patriarch ng isang kingdom na siya rin ang pinuno. Mga anak naman niya sina Cristine, Sue at Sid. Pawang mahuhusay ang nagsipagganap sa kanilang respective roles in the movie na ginastusan in terms of production values – sets, props, costumes, etc.
Maganda rin ang pagkakalapat ng musika maging ang sinematograpia at locations.
Rufa at Trevor, walong taon tumagal
Walong taon ding tumagal ang pagsasama bilang mag-asawa nina Rufa Mae Quinto at Trevor Magallanes na isang police officer in San Francisco, California, USA.
Kung kelan kailangan nila ang suporta ng bawat isa sa gitna ng mga pagsubok ay saka naman sila nagkahiwalay.
Balitang nasa proseso na ang divorce documents ng mag-asawa matapos silang ikasal sa Pilipinas nung Nov. 25, 2016. Ang dating mag-asawa ay may 7-year-old daughter na si Athena.
- Latest