^

Pang Movies

Sharon, nakipag-bonding sa mga Marcos Sue, tsinaka ang suot sa Malacañang! Ruru, nakaramdam ng kaba

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sharon, nakipag-bonding sa mga Marcos Sue, tsinaka ang suot sa Malacañang! Ruru, nakaramdam ng kaba
President Ferdinand Marcos Jr. at Sharon Cuneta

Malaking bagay ang ginanap na Konsyerto sa Palasyo Para sa Pelikulang Pilipino na suporta ni President Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa 50th anniversary ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kasabay nito ang pagbibigay pugay sa Philippine movie industry para sa mga pelikulang tumatak sa puso ng mga manonood.

Ginanap ang Konsyerto sa Palasyo Para sa Pelikulang Pilipino sa Kalayaan Grounds Malacañang noong Linggo ng gabi, December 15.

Dinaluhan ito ng ibang cabinet secretaries at government officials tulad ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Cris Roque.

At siyempre ang mga punong-abala upang lumakas ulit ang film industry sa pangunguna ni MMDA / MMFF Chairman Atty. Romando Artes.

Ganundin si Film Development Council of the Philippines Chair Jose Javier Reyes.

Present din ang mga producer at top gun ng ABS-CBN (Carlo Katigbak) and GMA 7 (Annette Gozon), at ibang cast ng MMFF entries.

Maaga ring dumating si Roselle Monteverde ng Regal Entertainment with her son Keith; Atty. Joji Alonso (Quantum Films), Bryan Dy (Mentorque), directors Jun Lana, Perci Intalan, Pepe Diokno, Mike Tuviera and movie producer, businessman and sports patron Manny V. Pangilinan.

Sa mga pelikulang may MMFF entry, kabilang sa mga dumalo sina Vice Ganda (na super chika kay FL Liza), Lorna Tolentino, Julia Barretto, Enrique Gil, Alexa Miro, Rob Gomez, MJ Lastimosa, Francine Diaz, Seth Fedelin, Ruru Madrid, Ron Angeles, Gladys Reyes, Julia Montes, Arjo Atayde, Sylvia Sanchez (Nathan Studios), Aicelle Santos, Mylene Dizon, Sue Ramirez (na pi­nintasan ang white sexy dress na suot) at marami pang iba.

Andun din para sumporta sina Lani Mercado, Boots Anson Roa, Hilda Koronel (sa kanyang first public appearance sa bansa matapos maglagi ng maraming taon sa America), Christopher de Leon, Sandy Andolong, Tirso Cruz III and wife Lyn Cruz, Maricel Soriano, at marami pang iba.

Hindi naman nakarating sina Vilma Santos, Aga Muhlach, Piolo Pascual, and Lito Lapid na tinawag ang mga pangalan sa entablado.

Si Divine Diva Zsa Zsa Padilla ang nanguna sa concert kasama sina Gian Magdangal, Molly Langley, Dane Mercado, at Jon Joven.

Nag-perform din ang Sindaw Philippines Perfor­ming Arts Guild.

Na-appreciate ng maraming taga- showbiz industry ang tuluy-tuloy na tulong ng pamahalaang Marcos sa movie industry. “I’m appreciative and happy about this because I think this is the first time na nabigyan ng pansin ang movie industry,” sabi ni Ms Roselle. “Sana magtuluy-tuloy na ang ganitong gatheting.”

Sandali naman naming nakausap si Ruru at aniya ay higit sa nararamdamang kaba sa opening ng MMFF, mas excited siya lalo na at first MMFF movie niya ang Green Bones.

At hindi raw siya makapaniwala  na nasa Malacañang siya that night. “Grabe parang ‘di ako makapaniwala na nasa Malacañang, kasama ‘yung mga tinitingala nating mga artista, I’m happy, parang ang bilis ng mga pangyayari. Parang kailan lang nagsisimula ako sa industriya, ngayon ‘yung mga pinapangarap ko, nagkakaroon na ng katuparan,” sabi pa ni Kapuso actor.

Aggressive nga ang admi­nistration ni Pangulong Marcos na ibenta sa ibang bansa ang local films at may mandate na ang Department of Trade and Industry (DTI) headed by Sec. Cris Roque na pangunahan ito.

 “So kami, we will just execute it the way you want it, but we will also do business matching between the thea­ters or whoever can really also distribute these films or this television series all over. Kasi ‘yung mga film natin or teleseryes is also the same as ‘yung mga kwento ba, type rin ng mga locals doon, ng Asians, the same way we also like the stories of the Korean ‘di ba. So it’s the same; we can also cater to actually Japanese or to anyone all over the world who wants to watch ‘yung mga Filipino teleseryes. Then we just translate it the same way we do it in Korean. So, there’s going to be an aggressive approach on this,” pahayag ni Sec. Cris.

 “But if we say, let’s say, Italy or Japan or the Middle East, at least, maraming Filipino. And ‘yun ang uunahin natin. Kasi hindi naman natin magawa all at one time, eh? So ang best talaga is to really do the target,” detalyadong pahayag ni Sec. Cris sa amin nang minsang maka-lunch namin.

Samantala, sa nasabing concert din ay tila nakalimutan na ang kontrobersya sa pulitika.

Magkasamang kabilang nga sina Sharon Cuneta at ang kanyang asawang si dating Senador Francis “Kiko” Pangilinan, sa mga panauhin sa Palasyo noong linggo. Ang saya-saya ni Sharon na dumating sa Malacañang at agad na naki-selfie sa pangulo at kay first lady.

Nakita ring nag-uusap sila ni FL Liza bago pa nag-umpisa ang concert.

Sa post ni Ate Shawie ay inalala nito ang panahong madalas siya sa Malacanang : “Nothing but love…and other friends!!! (Mr. President: “Anytime you feel like it just come here!”) (A bit of trivia for you: The very first time I saw a disco was at 14, in Malacañang. Saw Pope Paul VI in Malacañang. Had so many merienda/dinners with The President’s Father and Mother in Malacañang as we used to campaign for them. Spent a whole afternoon and evening with the President’s parents at their home in Hawaii.

“Had dinner with Pres. BBM and the FL in their home in Ilocos. Madame Imelda was a Principal Sponsor at GC’s and my wedding, & it was Pres. Marcos, Sr. who stayed at our party for hours! So many memories. My favorite in their family has always been Pres. BBM.) When we arrived tonight, I got the warmest hug from the FL, like no time had passed! And then of course, the warmest, biggest hug from the President. With some side kwento, just like old times! Thank you so much again, Mr. President and Madam First Lady! #oldfriends.”

Dedma naman si Ate Shawie kahit may ilang followers siya na sinusumbatan ang Megastar na biglang naging chummy sa mga Marcos samantalang noong kampanya ay may mga sinabi ito at si dating Sen. Kiko bilang nasa kalabang partido sila noong nakaraang election. 

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with