Buboy, ‘di na umaasa sa balikan nila ng misis
Ngayong Pasko, ang tanging hiling ni Buboy Villar ay maging masaya ang kanyang dalawang anak na sina Vlanz at George.
Pinangako kasi ng Kapuso comedian na hindi raw niya gagayahin ang kanyang ama na pinabayaan sila at parating nakikita niyang galit sa kanila.
“Nilagay ko sa utak ko, hindi ako magiging katulad ng tatay ko. Gusto ko ‘pag lumaki mga anak ko or basta nandito ako, gusto ko kapag nakita nila ako, hindi nila ako nakikitang magalit. Gusto ko laging masaya lang, laging pinapasaya sila,” sey ni Buboy.
Naging ama si Buboy sa edad na 17. Never daw niyang pinagsisihan ang maging batang ama.
“Huwag mong isipin na mahirap ang mga bagay-bagay. Kasi kung iisipin mo na mahirap ang mga bagay-bagay na ‘yan, mahihirapan ka talaga. Tingnan mo na lang ‘yung positive side. Kung ano ang puwede mong gawin, ano pang kaya mong gawin para sa pamilya mo.”
Tanggap na raw ni Buboy na hindi na sila magkakabalikan ng ina ng kanyang mga anak na si Angillyn Gorens. Eight years na raw silang hiwalay at may kanya-kanya na silang buhay.
Taylor, tuloy ang paghahakot ng award
Muling naghakot ng awards sa katatapos lamang na 2024 Billboard Music Awards (BBMAs) si Taylor Swift.
Nauwi ni Taylor ang 10 BBMAs including Top Artist, Top Female Artist, at Top Billboard 200 Album for The Tortured Poets Department.
Si Taylor na ang most awarded artist ng BBMAs with a total of 49 trophies. Tinalo na niya ang dating may hawak ng record na si Drake.
Perfect birthday gift daw ito for Taylor who turned 35 last Dec.13.
“This is like the nicest, early birthday present you could have given me so thank you very much. Thank you to the fans, because Billboard is counting your stuff. They’re counting what you’re listening to, the albums that you’re passionate about. So I count these as fan voted awards, because you guys are the ones who care about our albums and come see us in concert,” sey ni Taylor sa kanyang video message.
- Latest