FL Liza, iyak-tawa sa KathDen

Liza at KathDen

MANILA, Philippines — Ini-upload ni First Lady Liza Marcos ang pagpapahid niya ng luha matapos panoorin ang pelikulang Hello, Love Again.

Isa nga ito sa photo dump niya nang magkaroon ng special screening ang pelikula nina Alden Richards and Kathryn Bernardo na dinaluhan nila nina Senate President Chiz Escudero.

Aniya sa caption : “Hello, Love, Again was such a heartwarming treat! 

“Filipinos really do cross oceans to chase dreams to provide for their families. No matter the obstacles, they will never lose hope and will continue to make sacrifices for their loved ones. This movie had me laughing, crying, but -- most of all – it made feel proud to be Pinoy!

“A huge round of applause to ABS-CBN Films, GMA Pictures and everyone who brought this masterpiece to life

“Mabuhay ang pelikulang Pilipino! Keep making us proud!”

All-out ang suporta ng Unang Ginang sa local film industry kaya’t bumuo pa ito ng grupo na Cine-gang.

Ngayong araw ay dadagsa naman ang mga artistang may entry sa MMFF para sa gaganaping Konsyerto sa Palasyo: Para sa Pelikulang Pilipino.

Mga kagamitan ni Pia na binebenta ng milyones, hindi pa halos nagagalaw

Awws, parang ang bagal pa ng galaw ng mga bini-bid na gown ni Pia Wurtzbach.

Maganda ang layunin ng #LoveGalaAuctions na nagtatampok ng mga eksklusibong item, kung saan ang lahat ng kikitain ay mapupunta sa pagpapatakbo at pagtatayo ng isang Youth Center.

Pero patuloy pa itong pino-promote ni Pia hanggang kahapon at kahit sa website nito ay marami pang available items.

Kung mabebenta ang lahat ng ‘yun malaking halaga dahil may mga gown na P1.8 million ang halaga at pati mga sash ng dating Miss Universe ay for bidding.

Ice Seguerra at Philpop X Himig Handog singers, tampok sa ‘ASAP’

Maghanda para sa isang espesyal na performance mula sa singer-composer na si Ice Seguerra kasama ang iba pang PhilPop x Himig Handog interpreter na sina Lyka Estrella, Annrain, Geca Morales, Shantel Xyline, at Extrapolation sa ASAP ngayong Linggo (Disyembre 15) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Balikan ang all-star opening performance mula kina Gary Valenciano, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Yeng Constantino, Erik Santos, Angeline Quinto, Gela Atayde, and Darren Espanto. Sundan rin ito ng cutesy dance act mula kina AC Bonifacio, Belle Mariano, at Alexa Ilacad.

Abangan naman ang ultimate biritan kasama ang ASAP divas na sina Morisette, Klarisse De Guzman, Marielle Montellano, Lyka Estrella, at Jona. Pagandahin pa ang iyong Linggo kasama sina Donny Pangilinan at Belle Mariano na may nakakakilig na duet, at si James Reid na aawitin ang kanyang single na Mirasol.

Hindi rin magpapahuli ang mga paboritong ASAP performers na Rockoustic Heartthrobs na sina Kice, Luke Alford, Blackburn, Anthony Meneses, at Kobie Brown at Dance Sirens na sina Chie Filomeno, Anji Salvacion, at Loisa Andalio na may kamagha-manghang performance ngayong Linggo.

Abangan rin si Martin Nievera at ASAP icons na may pa-tribute sa batikang composer na si Vehnee Saturno. Kasama pa sa kasiyahan ang mga host na sina Robi Domingo, Belle Mariano, Donny Pangilinan, at Darren Espanto.

Show comments