Veteran actress Imelda Ilanan, gusto si Belle para sa apong si Donny!

Donny at Imelda

Mahigit 31 years na ring mag-asawa sina Anthony Pangilinan at ang actress at dating host na si Maricel Laxa who are blessed with five beautiful children na sina Ella, Donny, Hannah, Benjamin at Solana. 

Sa limang anak, ang panganay na si Ella ay may asawa na, si Enrique Lhuillier Miranda na nagmula sa kilalang angkan ng Cebu at nakababatang kapatid ni Daniel Lhuillier Miranda, isang kilalang car racer at longtime partner ng aktres na si Sofia Andres.

At bukod tanging si Donny lamang ang nagkainteres sa showbiz tulad ng kanyang ina at maternal grandparents na si Imelda Ilanan at ang yumaong action star na si Tony Ferrer. 

Tuwang-tuwa naman si Imelda nang malaman niyang sikat na sikat na ang kanyang apong si Donny Pangilinan na isa nang matinee idol.

Pero ayaw namang mag-comment ni Imelda kung magkasintahan na sina Donny at Belle Mariano dahil hindi umano siya nakikialam sa lovelife ng kanyang mga apo pero gusto umano niya si Belle dahil mabait at magalang ito.

Samantala, kung may pagkakataon ay gustong balikan ni Imelda ang kanyang showbiz career ngayong bumalik na sila ng kanyang husband na si Ben Quezon Avancena sa Pilipinas although madalas pa rin umano silang bumiyaheng mag-asawa laluna sa Spain na paborito nilang puntahan.

“I would love to work with my daughter and my grandson kung may pagkakataon,” aniya.

Show comments