Parada ng MMFF, gagalugarin ang Maynila
MANILA, Philippines — Mas pinalaki, mas pinalawak at mas pinabongga pa ang gaganaping Parada ng mga Artista ng #MMFF50 sa Dec. 21.
At talaga raw dadagsa ang mga kasaling artista sa pelikula.
Magsisimula ang parada sa Kartilya Ng Katipunan at magtatapos sa Manila Central Post Office.
Dadaan ito Natividad Lopez Street – kakanan sa P. Burgos – didiretso sa Jones Bridge – Quintin Paredes – Reina Regente Street, – daraan sa Recto Avenue – Abad Santos Avenue – Tayuman Street – Lacson Avenue – España Boulevard – Nicanor Reyes St. (Morayta) – C.M. Recto Avenue – Legarda Street – P. Casal Street – Ayala Boulevard – Taft Avenue – T.M. Kalaw Street – Roxas Boulevard P. Burgos Avenue – daraan sa Jones Bridge – Magallanes Drive hanggang makarating sa Manila Central Post Office kung saan ay magkakaroon ng libreng konsyerto at pagtatanghal ang mga artista ng pelikulang official entries sa MMFF.
Ang lalaki ng mga pelikulang kasali ngayong taon kaya naman inaasahang aabot sa kahit dalawang bilyon ang kikitain ng 10 official entries.
Grabe ang sigasig ni MMDA / MMFF Chair Romando Artes sa pagsuporta sa mga kasaling pelikula.
- Latest