Anak ni Nadia, ‘di pa alam ang itatawag kay Baron

Nadia at Sophia

May komunikas­yon na pala ang anak ni Nadia Montenegro na si Sophia Asistio sa tatay niyang si Baron Geisler.

Kuwento ng aktres ay hindi niya sinabi sa anak ang tungkol sa aktor at sila lamang ng partner na si Boy Asistio at mga anak nila ang nakakaalam nito.

Pero alam daw nito at kinompronta siya noong 16 taong gulang ito.

Wala naman daw kasi siyang dahilan na idutdut pa ang katotohanan kung nakikita naman niyang maayos sila.

Nagsalita rin ang bagets tungkol dito at sinabing wala siyang planong palitan ang apelyido kung hindi naman daw kailangan.

Hindi pa raw niya alam ang itatawag sa tatay niya sa ngayon. Nagpo-“po” lamang daw siya tuwing magkakausap sila.

Sinusubukan daw niyang respetuhin ito pero meron pa rin daw boundaries at parang second chance lang daw ang ibinigay niya sa ama.

Hindi raw niya kina-cut off ang oportunidad na magkaroon ng ugnayan doon. Baka raw may mahanap siya sa sarili na mas makakabuti pala sa kanya.

Payo naman ng nanay niyang si Nadia ay huwag na itong magbasa ng mga komento ng mga netizen.

Dagdag ng aktres ay napatawad na niya si Baron. Ang tanong daw ay kung napatawad na ba ng aktor ang kanyang sarili.

 Bongga.

Show comments