‘Resulta’ sa MMFF best actress, ‘di tanggap ng fans

Hindi lang si Arjo Atayde ang welcome sa Eat Bulaga para mag-promote ng Topakk, pati sina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino ay winelcome rin ng Dabarkads para mag-promote ng Espantaho.

Nauna si Arjo at kahapon, sina Judy Ann at LT naman ang bumisita sa EB. Puwedeng sabihing kaya nakapag-promote si Arjo dahil isa sa host ng noontime show ng TV5 ang misis niyang si Maine Mendoza.

The same thing with Judy Ann, puwede ring irason na kaya welcome sila ni LT kahit makakalaban ang The Kingdom ni Vic Sotto dahil host din sa programa ang asawa niyang si Ryan Agoncillo.

Ang tanong ng netizens, maging welcome rin kaya ang cast ng ibang movies na makakatapat ng movie nina Vic at Piolo Pascual? On the other hand, may mga network backup ang karamihan sa entries sa 2024 Metro Manila Film Festival, kaya hindi na ito magi­ging problema.

Samantala, may lumabas na survey na Most Anticipated MMFF Actresses sa awards night ng filmfest na gaganapin sa Dec. 27. Number one si Judy Ann with 13, 055 votes. Second si Francine Diaz with 5,118 votes at third si LT with 3,492 votes. Nasa fourth place si Eugene Domingo, sumunod si Julia Barretto, Nadine Lustre, Maris Racal, Aicelle Santos, Julia Montes at Jane de Leon. Sila ang nasa top 10, si Vilma Santos ay number 14.

May problema lang sa survey na ito dahil ang ibang nasa top 10, hindi naman lead actress sa pelikula. Ang iba naman ay supporting ang role, at si Vilma na bida sa Uninvited ay wala sa Top 10.

Anyway, survey lang ito at ang jurors pa rin ang mamimili kung sino ang dapat at tamang manalo.

Dennis, ayaw na ng award

Hindi lang ang magkaroon ng entry sa 2024 MMFF ang wish ni Ruru Madrid na natupad sa pagpasok ng Green Bones, bilang isa sa official entry. Natupad din ang dream niyang makasama si Dennis Trillo at pareho silang bida at equal ang billing nila.

Nabanggit ni Ruru sa mediacon ng pelikula, tuwing may eksena si Dennis, inoobserbahan niya ang kilos at pag-deliver nito ng dialogue. Hindi na niya ito kinakausap dahil matindi ang paghahanda sa bawat eksena. Ayon naman kay Dennis, hindi na kailangang turuan o bigyan ng tip si Ruru dahil mahusay ito at alam ang gagawin.

Mahusay rin si Ruru sa kanyang mga eksena at sa role ni Xavier Gonzaga na galit sa mga kriminal at hindi malayong ma-nominate rin siya sa best actor gaya ni Dennis base sa trailer nito.

Si Dennis, nang matanong sa best actor award, ang sabi, ibigay na lang sa iba ang tropeo. Sapat na raw sa kanya na panoorin ang Green Bones. Ang panoorin at kumita ang pelikula rin ang mina-manifest ni Ruru.

Show comments