Julia, todo ang pasasalamat sa diyos
Labis-labis ang pasasalamat ni Julia Barretto sa napakaraming ibinigay na blessings sa kanya ni Lord this year. Walang dudang taon niya ang 2024 starting off with a movie with Aga Muhlach na Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko in February.
In April, ipinalabas sa Viu ang kanyang proyekto na Secret Ingredient kasama sina South Korean actor Lee Sang Heon at Indonesian superstar Nicholas Saputra at nagwagi ng prestihiyosong Silver Dolphin trophy para sa Branded Content Global Videos at Black Dolphin trophy para sa Best Cast/On-Camera Talent sa Cannes Corporate Media & TV Awards 2024.
Nagwagi rin ang mini series sa Asian Academy Creative Awards 2024, kung saan itinanghal itong National Winner para sa Best Branded Programme at Best Original Production by a Streamer (Fiction) sa Pilipinas.
Last August naman ay ipinalabas ang reunion movie nila ni Joshua Garcia na tumabo nang husto sa takilya at kumita ng humigit-kumulang P450 million worldwide. Ito na ang pinakamatagumpay na JoshLia film sa kasalukuyan
Kabi-kabila rin ang endorsements ni Julia this year.
Ngayon naman ay tatapusin ng aktres ang taon with her Metro Manila Film Festival entry na Hold Me Close with Carlo Aquino directed by Jason Paul Laxamana. “I keep saying this because I mean it. Sobra akong nagpapasalamat sa grace na ipinakita talaga ng Diyos sa akin this year and the blessings. It really makes the entire journey worth it,” pahayag ni Julia sa solo presscon niya kahapon for Hold Me Close.
Dagdag pa niya, simula nung mag-artista since she was a kid ay talagang ginagawa raw niya parati ang kanyang best kaya naman napakasarap daw sa pakiramdam kapag ganitong nabibigyan siya ng reward.
When asked kung may pressure ba na matitindi rin ang mga kalaban niyang pelikula sa MMFF, aniya ay oo naman daw but it’s a good kind of pressure naman daw. “It’s a kind of pressure na tsina-channel mo as a motivation to really study what you have to do and be at your best shape and be in your best mental state. It’s a pressure that’s good. It motivates you more.
“It’s not a bad thing. It’s a good kind of pressure na parang ‘you gotta work girl,’” sey ng aktres.
Kinunan sa Japan, mapapanood ang Hold Me Close sa Dec. 25 sa mga sinehan sa buong bansa hatid ng Viva Films.
Mark, inamin ang sikreto nila ng misis
Kung ang ama niyang si Sen. Lito Lapid ay kering-keri pang makipag-loveteam sa edad nitong 70 years old, si Mark Lapid naman ay hindi raw pwede dahil binawalan siya ng kanyang asawang dating aktres din na si Tanya Garcia.
Sa Christmas get-together with the press ng mag-amang Sen. Lito at Mark last Wednesday ay natanong nga ang nakababatang Lapid kung open ba si Tanya sakaling bigyan din siya ng love interest sa FPJ’s Batang Quiapo.
Ang bilis ng sagot ng Chief Operating Officer of the Tourism Infrastracture and Enterprise Zone Authority.
“Hindi,” natatawa niyang sagot.
“Bawal loveteam daw sa ‘kin, eh, sabi niya,” dagdag pa niya.
Mahigit 14 years na ring kasal sina Mark at Tanya at may dalawa silang anak na babae. Paano nga ba nila napapanatiling matatag ang kanilang marriage sa rami ng tukso at intriga sa showbiz?
“Siguro, more on communication and it’s a give and take siguro na relationship,” aniya.
Maganda rin ang setup nila sa pagtanggap ng showbiz projects. Kailangan daw ay alternate sila para may maiwan sa kanilang mga anak. Ngayong nasa FPJ’s Batang Quaipo siya, hindi raw muna pwedeng tumanggap ng proyekto ang misis.
- Latest