^

Pang Movies

Boy at Heart, kinikilala na sa buong Asya

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Boy at Heart, kinikilala na sa buong Asya
Boy at Heart

Iba talaga ang dating ng mga Pilipino sa ngayon.

Si Boy Abunda na kinikilala nating King of Talk na sumikat naman at higit na nasanay sa dating ABS-CBN noong may prangkisa pa sila, ay siya ngayong napiling Southeast Asia Top Television Host, ng Top 10 Asia Magazine.

Iba talaga si Boy Abunda, kahit na nga tsismis basta sa kanya nagmula talagang pinaniniwalaan ng mga tao. Siya rin ang nakakaalam ng maraming sikreto sa showbiz dahil ipinagtatapat sa kanya ng mga artistang matindi na ang tiwala sa kanya.

Kasabay noon idineklara rin naman si Heart Evangelista bilang Most Trusted Endorser sa Pilipinas. Marami naman diyang gumagawa ng endorsement, iyong iba nagyayabang pang sila ang highest paid, pero pinagtitiwalaan ba talaga sila ng publiko gaya ni Heart?

LT, itinanggi rin si Lito!

Noong humarap si Lorna Tolentino para sa interview matapos ang press conference nila ng pelikulang Espantaho, diretsahan siyang tinanong tungkol sa natsismis na diumano ay panliligaw sa kanya ni Lito Lapid. “Diretsahan ano. Pero wala hindi totoo iyon. Alam ninyo bahagi na yata iyan ng tradisyon ng mga action star, at lahat ng mga action stars ganyan. Basta nasa set ang mga iyan ang turing sa kanilang leading lady, reyna. Mula kay FPJ hanggang sa lahat sa kanila ganyan iyan. Kaya nga hindi dapat bigyan ng malisya kung ano man ang ginagawa nilang treatment sa kanilang leading lady,” sabi ni Lorna.

“At saka bata pa ako nag-aartista na ako. Kilala ko na si Lito Lapid, seseryosohin ko ba naman kung ano man ang magandang ipinakikita niya sa akin,” dugtong pa niya.

Pero kung titingnan mo nga si Lorna, bata pa at maganda naman. Puwede bang walang manligaw sa kanya?

Open ba naman siya sa manliligaw?

“Bakit naman hindi, kung talagang mayroong makikita mong matino, at seryoso. Tutal malalaki na ang mga anak ko. May apo na nga ako. At saka matagal na rin namang namatay si Rudy pero kung ang manliligaw ay hindi man lang makakapantay kay Rudy, hindi bale na lang.  Mananatili na lang akong Mrs. Fernandez for life,” ang nakangiting sagot ni Lorna.

Kaso ni Sandro, tahimik na!

Huwag kayong magtataka kung wala kayong naririnig na development sa kasong isinampa ni Sandro Muhlach sa dalawang baklang independent contractors ng GMA 7, kasi nga nasa korte na iyon at wala nang maaaring magsalita sa kanila, baka sabihin na iyon ay subjudice at ma-contempt pa sila ng korte.

Malalaman na lang natin kung ano ang nangyari kung may desisyon na ang korte sa kaso.

In the meantime, tahimik na tahimik pa rin ang GMA 7 sa kanilang isinagawang imbestigasyon.

Talaga bang mayroon? 

Rico, ‘di nanghinayang kay Maris?!

Believe kami sa pananahimik ni Rico Blanco sa nangyayaring iskandalo sa kanyang dating girlfriend na si Maris Racal. 

Wala rin namang nakitang reaksiyon sa kanya noong isplitan siya ni Maris. Parang hindi naman siya nanghinayang na kinalasan siya ng ex.

Kung ang isang babae magagawang ipagpalit ang isang edukadong boyfriend sa isang umabot lang sa grade two, ano kaya ang hinabol niya roon?

BOY ABUNDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with