Emil at Salome, dedma sa age gap

Salome at Emil

Sabay na dumalo sa Christmas party ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors), na pinamumunuan ngayon ng Pilipino Star NGAYON and Pang Masa entertainment editor as president na si Salve Asis, ang bagong magkasintahang Emil Sandoval at ang adult content creator and VMX sexy star na si Salome Salvi.

Sa kabila ng malaking agwat ng kanilang mga edad, hindi ito issue sa bagong magkarelasyon.

Matagal-tagal ding nawala sa limelight si Emil pero nang ito’y magbalik ay naging sunud-sunod naman ang kanyang mga proyekto laluna sa VMX kung saan unang nagkakilala ang dalawa.

Si Emil ay kapanabayan noon nina Edgar Mande, Rey ‘PJ’ Abellana, Lito Pimentel at iba pa. Noon pa man ay nagpapaseksi na rin si Emil kaya hindi na umano bago sa kanya ang pagpapaseksi sa VMX despite his age.

Kitang-kita kina Emil at Salome ang pagiging in-love ngayon na kanilang inaasam na sana’y magtagal.

Lorna at Vi, malakas ang salpukan sa best actress

Grateful si Lorna Toletino sa Star for All Seasons na si Vilma Santos dahil kung tinanggap nito ang alok ng Quantum Films ay wala umano siya sa pelikulang Espantaho, isa sa sampung pelikulang kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival.

Ang Espantaho ay first team-up nila ni Judy Ann Santos and her reunion project with Direk Chito Roño after 29 years matapos nilang huling magsama sa 1995 movie na Patayin sa Sindak si Barbara.

Si Vi ay meron ding entry sa 2024 MMFF, ang horror movie ring Uninvited kung saan naman nito kasama sina Aga Muhlach at Nadine Lustre na pinamahalaan ni Dan Villegas under Mentorque Productions.

Since parehong entry ang magkahiwalay na pelikula nila ay hindi maiiwasan na maglaban ang dalawa sa Gabi ng Parangal ng MMFF as Best Actress on Dec. 27 na gaganapin sa The Theater at Solaire along with the other nominees.

Show comments