^

Pang Movies

Hiwalay na rin daw… mister ni Rufa Mae, inaresto sa Hawaii?!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Hiwalay na rin daw… mister ni Rufa Mae, inaresto sa Hawaii?!
Rufa Mae at Trevor

Hindi pa malinaw hanggang sa ngayon kung totoo ba ang kumakalat na tsikang hiwalay na si Rufa Mae Quinto at asawang si Trevor Magallanes na nagsimula nung nag-leak nga sa social media ang screenshot ng palitan nila ng mensahe.

Kung pagbabasehan nga kasi ang kanilang usapan sa screenshot na kumalat tila may nangyayari ngang hindi maganda sa kanilang relasyon although hindi pa nga masabi kung legit ba talaga ito.

Maging ang dating manager ni Rufa Mae na si Boy Abunda ay nagsalita na rin at inaantay pa rin niya ang kumpirmasyon tungkol sa balitang ito.

“We are also aware na may mga umiikot na screenshots ng conversation with Trevor, the husband of Rufa Mae Quinto, at saka ni Rufa Mae,” saad ni Kuya Boy sa kanyang Fast Talk with Boy Abunda last Monday.

“Meron du’n pag-uusap between the couple. At meron din isang screenshot ng isang report galing sa pulisya sa Hawaii na may kinalaman naman kay Trevor,” patuloy ng King of Talk.

“Now, we have this, and we are trying to validate this and we are in touch with the lawyer of Rufa Mae, Atty. Mary Louise Reyes, who has been very helpful to us.

“Kung ano ang developments sa balitang ito ay ibabahagi ho namin sa inyong lahat,” pahayag pa niya.

May tsismis din kasing inaresto raw si Trevor sa Hawaii na hindi pa rin malinaw kung totoo ba o hindi dahil wala pa ngang nagsasalita isa man sa mag-asawa.

Bukas ang aming pahayagan para sa pahayag nina Rufa Mae at Trevor hinggil sa isyung ito.

Tanggap na 2nd choice!

Hindi issue kay Lorna Tolentino kung 2nd choice man siya sa 50th Metro Manila Film Festival entry na Espantaho.

Tulad nga ng napabalita nitong mga nakaraang linggo, kay Star For All Seasons Vilma Santos unang in-offer ang pelikula kung saan nga ay makakasama sana niya for the first time si Judy Ann Santos.

Pero tinanggihan nga ito ni Ate Vi at ang tinanggap niya ay ang Uninvited na isa rin sa official entries sa MMFF 2024. Si LT nga ang ipinalit sa kanya.

Sa grand mediacon ng Espantaho ay natanong si LT kung ano ang feeling niya na napunta sa kanya ang role ni Vilma.

Nang una raw in-offer sa kanya ni Atty. Joji ang pelikula, malinaw naman agad sa kanya ang sinabi ng producer na hindi pa sure na siya nga ang gaganap.

“Sabi niya (Atty. Joji), ‘hindi pa ako sure, pero kung gusto mo,’ ganyan-ganyan. Ang ending, ang sabi ko sa kanya, ‘I am willing to wait, maghihintay po ako para sa project na ‘to,’” kwento ni LT.

“Tapos, hanggang sa ayun, ibinalita na nga niya sa akin na tuloy na ‘yung project, na ako na nga ang gaganap na nanay ni Juday,” dagdag niya.

Sila naman daw ni direk Chito has a long history. Matagal na silang magkakakilala at magkaibigan. Ilang beses na silang nagkatrabaho kabilang na ang Patayin sa Sindak si Barbara.

“We had the same manager, and at the same time, nagkasama kami abroad na kami lang, nagkasama kami sa bahay, pumupunta, pati mga Streetboys noon.

“So, matagal na ‘yung pagsasama namin ni direk Chito, kilala na namin ang isa’t isa, buhay pa si Daboy (Rudy Fernandez, LT’s late husband), lahat ‘yan. Kasama siya sa mga love stories and all,” sey ni LT.

Malaki na nga raw ang pagbabago ni direk Chito compared to before and now pagdating sa pagdidirek. Kung dati raw ay naninigaw ito, ngayon daw ay kalmado na.

“Kung tatanungin mo ‘ko sa before, terror si direk Chito. Talagang manenerbyos ka. May tensyon exercise, ganyan,” natatawang sabi ni LT.

“Ngayon, talagang kalmado na. Tapos, siguro, dahil kailangan na huwag siyang masyadong magagalit kaya nagtitimpi siya nang konti. Mas mahaba ang pasensiya niya ngayong mga panahong ito.

“Pero nandodoon pa rin ‘yung fire, ‘yung passion, ‘yung hunger for doing a great film,” ani LT.

RUFA MAE QUINTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with