Mga Santos, may labanan sa MMFF

Namayagpag ang mga Santos ng showbiz sa 2024 50th Metro Manila Film Festival!

Vilma Santos, Judy Ann Santos, Aicelle Santos at JC Santos! Bongga, ‘di ba?

Puwede ring magbakbakan sa best actress award sina Vilma, Judy Ann at Aicelle dahil lead actress sila ng entry nila – Vilma for The Uninvited, Juday sa Espantaho at Aicelle sa Isang Himala: The Musical. Hindi naman puwedeng ilagay sa best actress si JC, huh! Hahaha!

Dapat sana eh magkasama sina Ate Vi at Juday sa Espantaho. Pero ‘di natuloy ang Star For All Seasons kaya si Lorna Tolentino ang pumalit!

Of course, walang issue sina LT at Juday kay Ate Vi. Ang labanan lang sa takilya ang bakbakan nila and of course, lalaban si Lorna sa kategoryang ito na alam naman ng lahat na naging grand slam best actress sa pelikulang Narito Ang Puso Ko na dinirek ni Chito Roño na director nila sa Espantaho, huh!

Ay, hindi na solo ng Labubu ang mga doll dahil naglabasan na ang Quantum Film ng Espantaho doll, huh!

Cong. Sandro at Alexa, walang label ang relasyon!

Walang relasyon sina Cogressman Sandro Marcos at Alexa Miro. Hindi rin co-producer si Rep. Sandro ng Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital na entry ni Alexa ngayong 2025 MMFF.

Kaibigan lang ang turing nila sa isa’t isa, pero nung gawin ni Alexa ang movie na A Girl And A Guy, tila hindi ito nagustuhan ng kongresista.

Pero itong MMFF entry ni Alexa, pano­noorin ng kanyang friend na si Cong. Marcos. Block screening daw ito, huh!

So walang label ang friendship nina Cong. Sandro at Alexa, huh!

Show comments