Nagpaabot ng kanyang suporta si Aicelle Santos sa kanyang ka-batch sa Pinoy Pop Superstar season two na si Gerald Santos.
Ayon kay Aicelle, naggawa naman daw niyang mag-reach out kay Gerald nung magsalita na ito na naging biktima siya ng sexual abuse.
“Gerald is a really good friend. Parang kapatid ko na rin ‘yan dahil sa pinagsamahan namin noon sa Pinoy Pop Superstar in 2005. I reached out to him to let him know na nandito lang ako para sa kanya,” sey ng Kapuso singer-actress na bida sa 2024 Metro Manila Film Festival official entry na Isang Himala.
Ma-duplicate kaya ng Isang Himala ang naging victory ng Ang Larawan na nanalong Best Picture and Best Actress sa 2017 MMFF?
“Kung kami ay gagawaran, ay malaking biyaya. Ngunit para sa akin, nanalo na kami dahil sa pagkakataong maisapelikula ito muli para sa bagong henerasyon ngayon.”
Sinilang ni Aicelle ang second baby nila ni Mark Zambrano noong January. Eight months after ay nag-shoot na siya para sa Isang Himala.
“I really prepared for this one, physically. I got back into shape and had voice lessons.
“Recreating and finding Elsa again meant digging deeper into the character, bringing in my new experiences in the last 5 years to the character of Elsa.”
Kyline handa na sa pamilya ni Kobe
Ang haba ng hair ni Kyline Alcantara dahil next year ay ipapakilala na siya ng boyfriend niyang si Kobe Paras sa pamilya nito sa California.
“I have a lot of family from my mom’s (Jackie Forster) side in the States, so I would like them to meet Ky. Not a lot of people have met my family from my mom’s side, so it’ll be exciting for me for them to meet her,” sabi ni Kobe.
Ready na raw ang Shining Inheritance star na ma-meet ang mother ni Kobe: “Na-meet niya na po ang aking buong angkan, why not naman, ‘di ba? ‘Yung kanya naman.”
Hollywood actress, matagal nadiktahan ng anak sa makeup
Hindi raw naglalagay ng makeup ang Hollywood actress na si Amy Adams kapag kasama nito ang kanyang daughter na si Aviana.
“She didn’t like me wearing makeup. She’s like, ‘I just want you to look like Mom, not like Amy Adams.’ And I was like, ‘You got it.’ So there were years where I didn’t wear makeup wherever we went,” sey ni Amy.
Ngayon at 14 na si Aviana, tanggap na nito na isang celebrity ang kanyang ina. First time siyang sinama ng aktres sa Toronto International Film Festival para sa red carpet premiere ng Nightbitch.
Doon daw mas na-appreciate ni Aviana ang kanyang ina dahil marami ang humahanga rito.