Behind the scenes ng sorry ni Maris, ginawan ng malisya!
Maski kami believe na sana sa public apology na ginawa noong si Maris Racal, at kung ang sinabi niya ay taos sa puso, may mga mali pa rin sa statement pero palalampasin mo na, kasi iisipin mo namang naguguluhan pa ang isip niya, sunud-sunod na dagok kasi ang inabot niya.
OK na sana sa amin eh, kaso biglang may naglabas naman ng behind the scenes video, maliwanag na ang apology pala ay bahagi lamang ng damage control.
Hindi pala kusang nag-live video lamang si Maris, may isang kumpletong crew ng ABS-CBN na siyang gumawa ng video apology niya. May humahawak ng microphone sa harap niya, may dalawang cameras na nakatutok na halata mong hinahanapan pa siya ng magandang anggulo. Tapos mayroon pang may hawak ng idiot board ng sasabihin niya.
Bakit naman kasi hindi sila maingat, gumagawa sila ng damage control tapos may pinapayagan din silang mag-video kung ano ang ginagawa nila, di lumabas na sira ang kredibilidad ng apology.
Tama namang gumawa sila ng damage control dahil nasisira ang isang artista nila, pero iyon ang pagkakamali ng mga gumagawa ng damage control. Sa halip na makuha ang simpatiya ng tao, lalo lang nasisira ang diskarte.
Pero ang dapat kabahan ngayon ay iyong Anthony Jennings, walang dudang isinasalba ng ABS-CBN iyong Maris Racal, at ipinapasa ang sisi roon sa Anthony Jennings.
Pinalalabas na biktima si Maris dahil hindi niya alam na syota pa pala noong Anthony iyong Jam Villanueva, nang ligawan at pumatol naman iyong Maris.
Kawawang mga bata iyan. Maling-mali ang diskarte sa buhay.
Ate Vi at Juday, ‘di inasahan ang tapatan sa Pasko
Hanggang ngayon marami pa rin ang nanghihinayang sa hindi pagkakatuloy ni Ate Vi (Vilma Santos) na makasama si Juday doon sa festival movie na Espantaho. Hindi lang dahil sa festival nga iyon, pero ang totoo matagal nang hinihintay ang kanilang pagsasama ni Juday sa isang pelikula.
Noong araw ang problema ay nasa side ni Juday, dahil ang manager niya ang ayaw na makasama niya si Ate Vi. Sa pagkakataong ito naman nag-uusap pa sila, nang biglang pumasok naman ang Uninvited ng Mentorque na sa tingin naman ni Ate Vi ay naiibang pelikula, at saka hindi naman iyon intended sa Metro Manila Film Festival noong simulan nila.
Ganoon pa man, hindi mo masasabing nadehado ang Espantaho dahil kung hindi man nila nakuha si Ate Vi, ang nakapalit naman ay isa ring mahusay na aktres, si Lorna Tolentino. At saka hindi na dapat panghinayangan ang pagkakataon dahil sigurado namang darating ang isang araw ay magkakasama rin sa isang pelikula sina Juday at Ate Vi.
- Latest