John, sumawsaw sa Mathon!

John

Naglabas ng kanyang saloobin ang aktor na si John Arcilla tungkol sa issue nina Maris Racal at Anthony Jennings.

Ito ay matapos ngang magsalita si Maris ngayong araw at ipaliwanag ang kanyang panig.

Bagama’t walang mga pangalang binanggit ang aktor sa kanyang Facebook post ay obvious na ang MaThon ang kanyang tinutukoy.

Ayon kay John ay dapat nating unawain ang tatlo sa kanilang mga nagawa lalo pa nga’t mga bata pa ang mga ito.

“Ok na ba ang lahat? Lumilinaw na? Wala naman tayong KAILANGAN PATAWARIN SA KANILANG TATLO DAHIL WALA NAMAN SILANG NAGING KASALANAN SA ATIN,” simula ni John.

“They did what they did at that time because that is what THEY THOUGHT are the BEST THINGS to do nung tumatawid sila sa pagkakataong iyon AT ITO NGA ANG NAGING RESULTA. We LEARN our lessons in many ways. Mga bata pa sila, dumaan din naman tayo sa ganyan,” patuloy niya.

Aniya pa, ang nangyari ay isang moral lesson na rin sa lahat at huwag nang manghimasok pa sa kwento.

“Sa mga hindi pa eh PUNYETA na lang pag di pa kayo TUMINO. I am sure we all learned our lessons. Huwag na tayong mag matigas sa kwentong hindi atin. Sila ang gagawa ng ending nito. Hindi natin kailangan i defend ang mga sarili nating paniniwala i-apply na lang natin sa buhay natin.

“Lahat tayo ay nagkaka mali - at bigyan natin ang bawat isa ng pagkakataon para makabangon at makita ang susunod na hakbang. Mas madalas kaysa hindi, ang totoo talaga nating pinaglalaban pag may mga ganitong issue ay ang kapakanan natin kung halimbawang mangyari satin o nangyari na sa atin ang isang sitwasyon - representative lang yung mga taong involved sa kwento ng mga sarili nating bitbit sa buhay,” pahayag ng aktor.

Hiling din ni John sa publiko na mag-move on na. Sinabi rin niyang mahal niya ang mga batang ito.

“So move on na and Let’s all be positive and take good care of our own consequences. Nagkabunga na ang ating mga pag aalala para sa kanila. Sa totoo lang mahal natin ang mga batang ito. Nasasaktan tayo na makitang nasasaktan sila.

“Sabi nga “ALL’s WELL THAT ENDS WELL” Let us wish everyone a good life. Ang lagi kong mantra: “Don’t Wish them Bad, Wish them Consciousness” Mabuhay!” pagtatapos ng aktor.

Bago ito ay may nauna na ring post si John na patungkol pa rin sa cheating issue ng MaThon. Pinost ito ng aktor kahapon at hindi pa nagsasalita si Maris.

“May nagtanong kasi sakin. Eto sagot ko: AYOKO MANGHUSGA. HINDI KO NABASA LAHAT. Nagsisimula pa lang ako NAKARAMDAM NA AKO NG HIYA SA SARILI KO. Bat ba ako nagbabasa ng isang private na convo?

“Sabihin ng OA, pero AWKWARD yung pakiramdam. Hindi ko napanindigang ITULOY magbasa. Hindi ko rin sinasabing mali ka kung tinapos mong magbasa, nilatagan ka ng ebidensiya, nag imbestiga ka. Kanya kanyang choice lang naman.

“ITO LANG ANG HINDI KO MAINTINDIHAN: Bakit hindi Binura? May mali eh. Anong Pakay? Parang may plano, parang may Hindi magandang balak.

“TAENA NAMAN. Lahat naman tayo dumaan sa pagkabinata pero Hindi ko ma-KUHA na habang may tino-torture kang GF dahil binigyan mo naman ng access sa CP mo (?) sa isang banda May ine-expose ka or may balak ka naman i-Blackmail na isa pang babae (?) Parang nasa gitna ng PAG EXPOSE at kunwaring PAG GASLIGHT (?) Parang mayroong laro eh.

“SANA MALI AKO. or gusto na ba kumalas sa gf di lang masabi? May hindi malinaw. Pero kung tama ako. May kabastusan ang motibo. Ibang Klaseng mag-trip. May hindi rin sina-alang-alang yung 3rd party, bad trip din yon - pero tingin ko lang mukang may isang Kolokoy na nag take advantage ng LAHAT with confidence and a disguise of being Cool? YUN LANG,” pahayag ni John.

Show comments