Mathon ayaw tantanan ng bantang boycott!

Nagulat naman kami doon sa umuugong na balita na marami raw ang magbo-boycott sa pelikula ni Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival dahil naroroon sina Maris Racal at Anthony Jennings.

Honestly hindi namin maintindihan kung bakit pati si  Vice ay madadamay pa at saka gaano ba kalala ang kasalanan nina Maris at Anthony?

Hindi namin masabi kasi honestly hindi namin kilala sina Maris at Anthony.

Hahaha.

Kaya napaka-unfair naman noong nagsasabing hindi nila panonoorin ang pelikula ni Vice dahil sa magka-loveteam. Kung gagawin ba nila iyon, sino ang kawawa? Hindi si Vice dahil bayad naman siya sa pelikula kumita man o hindi, iyong Maris at Anthony kahit na iboykot nga nila, nabayaran na iyon eh.

Basta nag-boycott sila ang kawawa ay iyong producer na wala namang kinalaman sa landian ng mga artista sa pelikula.

Unfair din naman iyon kay Vice na siyempre umaaasa na magiging top grosser ulit sa pagbabalik niya sa MMFF, pero dahil sa dalawang ‘di naman niya ka-level na bino-boycott ng mga tao siya ang nadamay.

First time pa naman daw magda-drama ni Vice, kaya dapat panoorin at makita kung may karapatan ba siyang mag-drama.

Huwag ninyong intindihin kung ano man ang drama ng ibang kasama niya sa pelikula.

KathDen, hinihiritan ng ‘forever!’

Grabe na talaga ang fans. Gusto naman nilang gumawa ulit ng pangatlo na nilang pelikula sina Kathryn Bernardo at Alden Richards at may suggested title pa sila, Hello, Love, Forever.

Kung sabagay may katuwiran sila, kasabihan nga ng mga Kano “strike while the iron is hot.” Kasi baka biglang lumamig iyan, sayang naman. Kaya habang mainit gumawa ulit sila pelikula.

Tama iyong fans sunud-sunurin na ninyo ang pelikula nila, kasi hindi naman alam kung hanggang kailan sila kakagatin ng fans.

Tatagal ba si Kathryn na kagaya ni Vilma Santos na umabot ng 62 years sa show business, bida pa rin?

Sige nga gumawa ulit ng pelikula, dahil tiyak iyan pagkatapos ng festival bagsak na naman ang Tagalog films. Mauubos ang pera ng fans sa festival eh, kaya kailangan natin ang isang pelikulang hahabulin ng fans.

Kaya ngayon kailangan ang isang malaking pelikula para mailabas pagkatapos ng festival para hindi naman magmukhang kawawa ang pelikulang Pilipino.

Gumawa na sila ng isa pang KathDen movie, o kaya para kontrobersiyal isang pelikula ni Daniel Padilla na ang leading lady si Andrea Brillantes, na puno ng laplapan.

Tingnan natin kung hindi kumita iyan.

Mark, solo na ang komisyon

la na siyang kontrata sa network.

Sa tingin nga raw niya mas ok sa kanya ang wala nang manager at siya na ang nakikipag-deal sa lahat kaya wala nang binabayarang komisyon.

Ngayong wala na siyang contract sa GMA, paano na kaya ang career ni Mark?

Bigyan pa kaya siya ng teleserye o trabaho?

Common knowledge na ‘pag walang kontrata sa isang network, natural na hindi ito priority ng network.

Ganun ang sistema kaya paano na?

Show comments