Binuksan ulit ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang salon business nila na ngayon ay pinangalan na sa daughter nilang si Dylan.
Nagkaroon ng rebranding ang salon nila na may bagong look na at nilagyan ng kanilang personal touch.
Nagpasalamat naman ang aktres sa mga tumulong na maging matagumpay ang grand relaunch nito.
Pero marami ang nalungkot dahil ibig sabihin nito ay malabo pang bumalik ang cat café nila na Litterbucks na napilitang magsara noon nang maapektuhan ng pandemya.
Marami ang naghahanap sa café nila kung saan pwedeng makipaglaro ang customers sa mga pusa habang kumakain o nagkakape. Wish nga nila ay maibalik din ito lalo na ng mga mahilig sa pusa na dumarayo pa sa café nila para lang i-pet ang mga ito.
Suwerte sila dahil kahit walang kontrata sa GMA 7 si Jennylyn, abala naman siya sa pag-aasikaso ng kanilang mga negosyo ‘di ba.
Si Dennis ang mas busy ngayon dahil meron din siyang Metro Manila Film Festival movie, ang Green Bones na sabi ni Salve ay bongga ang trailer.