^

Pang Movies

Dalawang aktres na dating close, super isnaban sa airport!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagdedmahan pala sa isang international airport ang dalawang aktres na dati ay maganda ang pagsasama sa mga ginawa nilang pelikula.

Nagulat daw ang mga Pinoy na nakakita sa kanila sa naturang airport dahil imbes na magbatian at magyakapan, para raw silang walang nakita nung magkrus ang landas nila sa check-in counter.

Pauwi raw ng Pilipinas ang isa, samantalang may connecting flight naman ‘yung isa pang aktres.

“Biglang nagsuot ng face mask itong isa nung makita niyang parating si aktres. As in, wala siyang balak talaga na maki­pagchikahan kay aktres. Suplada sa personal!” sey ng source.

Matagal na raw nagkaroon ng lamat ang friendship  ng dalawa. Nagsimula raw sa ‘di pagpayag ni aktres na mag-cameo sa pelikula nung isa.

“Walang binigay na dahilan. Basta ayaw daw niya. Kaya doon na pumasok ‘yung rivalry nila. ‘Di siguro matanggap ni aktres na nagbibida na ang dating support niya sa pelikula,” chika pa ng source.

Sophie, nagkaroon ng meltdown sa mga anak!

Sa latest vlog ni Sophie Albert, inamin nito na overwhelmed siya sa sitwasyon niya ngayon bilang ina sa isang toddler at sa isang newborn.

Pinakita ng Kapuso actress ang mga nagaganap sa kanilang bahay kapag naiwan siya sa dalawang bata at kailangang umalis ng husband niyang si Vin Abrenica para magtrabaho. “It’s the first time Vin was out for work after I gave birth, so everything was... a bit chaotic. With a newborn and a toddler to care for, the day was full of diaper changes, snack requests, and lots of cuddles in between. I am a bit overwhelmed,” sey ni Sophie.

Minsan daw ay sabay pang umiyak ang dalawang bata kaya ‘di raw niya maiwasang magkaroon ng meltdown. Iba raw kasi kapag kasama niya si Vin sa pag-alaga sa mga bata. “I need Vin. Grabe the help that he does talaga like he knows how to calm Amara down and he knows how to calm Ava down. Having two kids is hitting me hard today,” sey pa ni Sophie.

Elton John, nabulag!

Inamin ni Elton John na nawalan na siya ng paningin dahil sa eye infection. Dahil dito ay hindi siya nakadalo sa gala performance ng musical na The Devil Wears Prada in London.

“I haven’t been able to come to many of the previews because, as you know, I have lost my eyesight. So, it’s hard for me to see it. But I love to hear it,” sey ni Elton na nagsulat ng songs sa naturang musical.

Noong July 2024 daw nagsimula ang sakit sa mata niya dahil sa nakuhang infection noong magbakasyon siya sa South of France.

“It’s been four months now since I haven’t been able to see, and my left eye is not the greatest. I’m kind of stuck at the moment. I am healing, but it’s an extremely slow process and it will take some time before sight returns to the impacted eye.”

MOVIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with