MADALI naman palang makabingwit ng babae ang isang guwapong aktor na hindi suwerte sa sinersyosong relasyon.
Guwapo na kasi si aktor, may ipagmamalaki pang pagkalalaki at talented, huh!
Isang aktres na nakatikim sa aktor ang sumang-ayon na may maipagmamalaki ang aktor dahil nagkatikiman daw sila minsan. Pero hindi na naulit dahil nag-asawa na.
Visible pa rin si aktor at tahimik na sa bagong karelasyon na nasa ibang bansa.
Hindi na raw siya tumitikim ng ibang babae kaya ‘yung partner niya ngayon na based sa ibang bansa eh secured na sa aktor.
Kaya pala pati public official na babae, nahuhumaling sa aktor!
Rufa Mae, may ipapakitang ebidensiya
HINDI pa nga natatapos at nalulutas ang isinampang kaso kay Neri Naig, si Rufa Mae Quinto ang sangkot sa kasong syndicated estafa at violation ng securities and regulations code.
Kaparehong brand ng beauty care ang kumuha kay Rufa Mae bilang endorser sabi ng legal counsel ni Rufa Mae na si Atty. Mary Louise Reyes.
Sa statement ni Atty Reyes, susuko si Rufa Mae at haharapin ang bintang na hindi totoo at saka magpo-post ng bail.
Ayon pa sa lawyer, wala pa nga raw downpayment si Rufa Mae at ‘yung tseke na inisyu sa kliyente niya eh tumalbog na kanyang ipi-present sa korte bilang ebidensiya!
Bakit patuloy na may artistang nabibiktima ng ganyang kaso? Kakalungkot lalo na’t magpa-Pasko, huh!