Starlet, sinagot ulit ang isyu kay Richard

Barbie at Richard

Kaloka naman ang nag-chika na nagsalita raw ang baguhang artista na napagbintangang third party sa hiwalayan ng mag-asawang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na si Kazel Kinouchi sa programang Lutong Bahay.

‘Kaloka dahil hindi ko siya kilala. Kailangan niyang magsuot ng name tag para ma-identify ko siya. Hahahaha.

Maaalalang nadamay ang Abot-Kamay na Pangarap star noong kumalat ang balitang hiwalay na ang mga magulang nina Zion at Kai.

Ikinuwento niya sa programa ni Mikee Quintos na nadikit daw ang pangalan niya nakaraang taon sa anak ni Annabelle Rama.

Nakita lang daw silang magkasama noong Halloween dahil nasa iisang village sila.

Meron daw silang common friends ni Richard pero hindi raw sila magkaibigan.

 Pero lusot na naman siya noh lalo na nang ilang beses makitang magkasama si Richard at ang rumored girlfriend niyang si Barbie Imperial.

Ganun. Oki. Fine.

Show comments