Pinagawang bahay nila Mark, kasya ang 3 anak
Nakausap namin sandali si Mark Herras sa launching ng The Influencers Reality Challenge, kung saan, isa siya sa performer sa party after ng launching na ginawa sa Hydro Club. Sabi nito, sasayaw raw siya.
Kinumusta namin ang ipinapatayong bahay nina Mark at asawang si Nicole Donesa? “Malapit nang matapos, malapit na kaming lumipat. Doon na ako magsi-celebrate ng birthday ko,” sagot ni Mark.
Sa Dec. 14, ang birthday niya, ilang araw na lang mula ngayon at tiyak na mas magiging special at mas masaya ang celebration ng kanyang 38th birthday. Tinawag nila ni Nicole na Casa Corky ang bahay na pangalan ng kanilang eldest na si Corky. Malaki ang bahay nina Mark at Nicole, kasya sa dalawa o tatlo pang anak.
GMA artist pa rin si Mark, pero hindi siya nakakontrata sa Sparkle GMA Artist.
Dahlia nina Anne at Erwan, nagpapa-block screening na rin!
Bongga ang mga anak ng celebrities, may pa-block screening din sila ng movie na para sa kanila. Gaya na lang ni Dahlia, ang anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff, sila ang host ng block screening ng Moana 2.
Sosyalin at mahal ang cinema kung saan ginawa ang block screening dahil sa Tempur Cinema sa Uptown Mall. Puwedeng matulog ang mga inantok na bagets.
International ang invited, iba’t ibang lahi at kabilang sa mga nanood ang dalawang anak nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico. Comment nga ng mga netizens, siguradong Inglesan nang Inglesan ang mga bata. Sabi ni Anne, “What a fun experience. Even the little Disney Princess inside of me enjoyed it so much.”
RS at Cong. Sam, pagtutulungan ang Boys Town!
Sa suggestion ng kaibigan, co-founder, co-owner at president ng Frontrow Philippines and Frontrow International na si RS Francisco, mukhang hindi lang dialysis center at diagnostic clinic ang ipatatayo ni Cong. Sam Verzosa kapag nanalong mayor ng Manila.
Ang suhestiyon ni RS, magpatayo rin si Sam ng Boys Town sa Manila at tutulong siyang maisakatuparan ito.
Kahit yata hindi manalong mayor ng Manila si Sam, pagtutulungan nila ni RS na magkaroon ng Boys Town ang Manila na malaking tulong sa mga bata at hindi na sila kailangang dalhin sa Boys Town Marikina para sila ay matulungan mabago ang buhay.
Paos si Sam sa Christmas Party dahil maghapong nasa labas. Nagdala ng tulong sa mga taga-Maynila kabilang ang mga nasunugan sa Islang Puting Bato sa Tondo. Kasama sa mga ipinamigay ni Sam ay Spam at Delimondo corned beef at iba pang food item na hindi regular na isinasama sa relief package.
- Latest