Heart, ‘di maidetalye ang pinakamasamang bangungot

Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista

Binalikan ng Global Fashion Icon na si Heart Evangelista ang kanyang worst nightmare na sumubok sa pananampa­lataya niya.

Ikinuwento ng misis ni Sen. Chiz Escudero sa unang pagkakataon ang pinaka-nakakatakot na pangyayari sa buhay niya sa kanyang limited reality series na Heart World.

Mahirap daw itong pag-usapan at ito ang unang pagkakataon na ilalahad daw niya ang tungkol dito.

Sinabi raw ng mga doctor na maaari raw na ma-mild stroke ito o meron na ito ng panahon na iyon.

Hindi pala sila magkasama nang mangyari iyon noong March dahil papunta siyang Bangkok galing sa Hong Kong noon at kinailangan niyang kanselahin ang mga engagement para makauwi agad.

Inasahan na raw niya iyon noon dahil laging walang tulog ang mister at pakiramdam daw niya ay hindi iyon nag-iingat sa kalusugan niya.

Napansin na raw niya iyon noong gabi bago siya lumipad pa-Hong Kong na meron siyang nakita sa mata nito. At nang makausap niya ito kinabukasan ay iba na raw ang hitsura nito at parang may mali.

Pagdating daw niya sa Bangkok ay agad siyang lumipad pa-Manila at dumiretso sa ospital.

Bangungot daw ito dahil sey niya “he’s somebody that would be the last person you’d think that will be there, that cannot do anything.”

Nakaranas daw pala ito ng hypertensive episode na na-diagnose na two years ago.

Doon daw na-realize ni Heart ang kahalagahan ng pamilya.

Show comments