Andres, malabong maging Sandro

Andres

Natawa kami sa isang tanong, ano raw kaya ang gagawin ni Aga Muhlach kung ang anak niyang si Andres ay pagtangkaan din ng mga badidang gaya sa nangyari sa anak ni Niño Muhlach na si Sandro.

Sa pagkakakilala namin sa kanila, mas kalmado si Aga kaysa kay Niño. Pero hindi mo maiisahan si Aga. Una, malabong mangyari iyon kay Andres. Napaka-smart noong bata at hindi basta mabobola. Hindi mo basta mapapapunta iyan sa isang hotel o kung ano man.

Isa pa, mahigpit ang TV5, tingnan nga ninyo iyong isa nilang tauhan, nilasing at tinangay ang isang baguhan sa isang hotel sa Pasig. Tanggal agad.

Hindi sila kagaya ng GMA na inaayos muna, para maiwasan ang iskandalo, at kung hindi, at saka sila mag-iimbestiga pero wala silang lalabas na findings hanggang walang lumalabas na hatol ang korte.

Kaya sinong baklita ang mangangahas na halayin si Andres?

Hawak din si Andres ng Viva. May mga baklita rin naman sa Viva, pero wala kaming nabalitaan sino mang baklita sa Viva na magsasamantala sa kahit na sinong artista nila.

Maganda ang katayuan ng mga empleyado ng Viva at hindi sila gagawa ng anumang kalokohan.

At higit sa lahat hindi sila kukukunsintihin nila Boss Vic del Rosario.

FL Liza, hands-on sa MMFF

May golf tournament pa pala ngayon ang Metro Manila Film Festival, at sasali raw doon ang ibang stars na may pelikula sa MMFF.

Maliwanag na iyan ay isang fund-raising event.

Noon, ang film festival ang tumutulong para sa promo ng mga pelikula, lately ang promo ng pelikula ay kanya-kanya na, at nakikisakay na lang ang MMDA sa promo ng producers.

Aywan namin kung magkakaroon pa ng pagbabago sa taong ito ang mga magaganap na activities ng MMFF dahil nga ang lalaki ng mga pelikulang kasali.

Teka, naibigay na ba ng MMDA ang backlog nila sa shares ng beneficiaries ng ilang taon na?

Tutal nakikialam na rin si First Lady Liza Marcos sa pelikula, ibalik na iyong dati, ang first lady ang chairman ng festival at ibalik na iyan sa mga tao ng industriya, baka mas maging bongga pa.

AiAi, dama ang panloloko ni Gerald

Unti-unti mas nadarama ni AiAi delas Alas ang nangyaring hiwalayan sa kanila ng mister na si Gerald Sibayan.

Masakit, at napakapait, kuya Eddie, na malaman mong may nabuntis na diumano siyang iba, na mas bata, mas maganda at makapagbibigay sa kanya ng anak na katabi na niya araw-araw.

Naisip ba ni AiAi na magtatagal sila ng mister hanggang maputi na ang buhok nila?

Asus, dapat sa umpisa pa lang, alam na niyang hindi sila magtatagal dahil sa agwat ng edad nila.

Ganun ang reyalidad ng buhay, walang fairy tale.

Show comments