^

Pang Movies

Sid, ‘di kayang kalimutan si Vic Sotto!

Gorgy Rula - Pang-masa
Sid, ‘di kayang kalimutan si Vic Sotto!
Sid Lucero

Ang ganda ng ngiti ni Sid Lucero nang makatsikahan namin sa DZRH.

Ang ganda kasi ng 2024 niya hanggang sa paghihiwalay ng taon ay punung-puno ang schedule niya.

Dalawang pelikulang pang-Metro Manila Film Festival ang kasali niya, kaya natatawa na lang siya at hindi pa masagot kung saang float siya sasakay sa parada.

Hindi lang daw niya makalimutan ang experience niya sa The Kingdom kung saan first time pala niyang nakatrabaho si Vic Sotto. Sobrang na-starstruck daw siya nang makaeksena niya si Bossing Vic.

Drama pa ang mga eksena niya. Kung mag-comedy pa raw, tiyak na hindi raw siya makakasabay. “Wala akong experience sa kanya working sa comedy. Saka kung makasama ko siya sa comedy, hindi ako makakasabay. Medyo mabagal ‘yung utak ko diyan e.

“Pero sa akin lang, it’s an honor. Hindi ko alam kung ito ‘yung una niyang drama, tapos ako pa ang nakaeksena niya. Oh my gosh! Sa akin ‘yun e… meron akong eksena na nagawa na napasilip ako. ‘Ano ‘yung ginagawa niya, grabe! Kinikilig talaga ako e, the whole time,” natatawang pahayag ni Sid.

Maganda rin ang role ni Sid sa Topakk kasama si Cong. Arjo Atayde, at kampante naman siya dahil pawang mga kaibigan niya ang mga kasama niya rito.

Pero bago ‘yan, super promote muna ngayon sa launching movie ni Yen Durano na Burlesk Dancer. Sa Dec. 4 na ang showing nito na kung saan ay kasama rin niya rito si Christine Bermas.

Magkakaroon pa ito ng premiere night sa Gateway Cinema bukas ng gabi.

Baguhang aktres, nakikipagtapatan kay janine!

Napapansin na sa Lavender Fields ang baguhang aktres na si Analain Salvador. Siya ang gumaganap na si Heather, ang kapatid ni Janine Gutierrez na ga­ling Amerika at lagi silang nagtatarayan dito.

Mabigat ang role na ginagampanan dito ni Analain na madalas ay kaeksena niya sina Janine at Edu Manzano.

Thankful naman siya dahil mabait sa kanya ang co-actors niya lalo na sina Edu at Janine na dati na niyang nakasama sa Marry Me, Marry You. “All the time, especially si Tito Edu na lagi kong kaeksena. Before the scene, nagpapatawa siya. And after the scene, ‘pag alam niyang heavy scenes, nagpapatawa rin siya, just to help me get back to reality parang ganun.

“I was very grateful na they gave me the role. I really didn’t expect it kasi for almost two years, I didn’t have any acting jobs. Lagi lang pong workshop and then, the Star Magic Volleyball, just workshop. So, iba pa rin ‘yung feeling na mabigyan ng ganitong role,” saad ni Annalain.

Bahagi ng malaking pamilya Salvador si Annalain. Ang lola raw niya na si Tess Salvador ay kapatid nina Alona Alegre at Phillip Salvador. Kapatid niya sa ama ang namayapang young actor na si Andrei Sison, ang apo ni Marco Sison.

Pagkatapos nitong Lavender Fields ay may naka-line up pang pelikula si Analain na pang-online pero ‘di pa raw puwedeng i-share.

SID LUCERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with