Walang pagsisisi kay Vic Sotto na ginawa niya ang role niya sa festival movie na The Kingdom mula sa M-Quest, M-Zet at APT Entertainment.
Aminado si Bossing Vic na ang character niya sa The Kingdom ay wala sa comfort zone niya gaya ng nakaraang movies niya lalo na tuwing Metro Manila Film Festival.
“Marami akong tanong bago gawin ang movie. Malayo ito sa dati ko nang nagawa.
“Kailangang baguhin ko ang boses ko. Hindi ako puwedeng magsalita gaya sa Eat Bulaga.
“But with the help of my co-actors, director (Mike Tuviera) at kasama ko sa movie, lalo na si Piolo (Pascual), it was worth it.
“Hindi ninyo ako makikitang nagpapatawa. Umiiyak ako. Maninibago ang manonood. Pero nagagagawa ko naman sa Eat Bulaga ang dati kong ginagawa, kaya para makita ang ibang Vic Sotto, panoorin nila ang The Kingdom!” pahayag ni Vic sa media launch ng movie kung saan kasama niya rin sina Cristine Reyes, Sue Ramirez, Sid Lucero, Nico Antonio at batang si Zion Cruz.
Magandang aktres na demanding, babalik na sa trabaho
Gagawa raw muli ng TV series ang isang magandang aktres na natigil dahil sa pagiging domesticated niya ngayon.
Nag-asawa at nanganak na si aktres na may magandang mukha kaya naman mabenta nung single sa TV at sa pelikula.
Eh nung time na wala pang pamilya, kapag may project, ugali ni aktres na hindi pumapayag magkaroon ng kasama sa tent. Kahit hindi siya ang bida sa movie o series, solo lang ang feel niya sa tent! Hindi siya puwedeng magkaroon ng kasama.
Tapos, heto at bumabalik sa isipan ng isang production ang ugali ni aktres noong wala pa siyang asawa. Baka bumalik na naman daw ang kapritso ng aktres na dapat walang ibang tao sa set kundi siya at kasama niya!
Siyempre, ‘pag may ganung demand uli ang aktres dagdag sa gastos sa production ‘yon, huh!