Kim, binago ang pananawsa pagpapakita ng alindog

Kim

Ang bongga naman ni Kim Chiu na nilabas ang behind the scenes ng kanyang photoshoot para sa pagiging Calendar Girl ng Tanduay.

Hindi nga lang daw isang powerful moment para sa kanyang ang maging Calendar Girl nito kundi “ It’s more than just being part of a calendar; it’s about breaking barriers, owning my confidence, and celebrating every step of my journey.”

Ang gaganda nga raw ng shots nito. Grabe raw talaga ang pagiging hot niya na kahit magpaseksi at magbilad ng katawan ay classy pa rin. Wholesome pa rin nga raw ito.

Halatang pinaghirapan at pinaghandaan nito ang photoshoot at kita talagang toned ang katawan nito.

Ang iba nga raw fans ay namroblema kung paano makakakuha ng kalendaryo niya dahil sold-out daw agad.

Napuri nga rin siya na nabago niya ang pananaw ng ibang netizen pagdating sa pagiging model at mukha ng alak at pagiging Calendar Girl.

Hindi raw nila alam na magiging celebration ito ng confidence ng kababaihan at gaya nga ng sinabi nito na “breaking barriers.”

Binuksan daw nito ang isipan ng marami.

Biro naman ng ibang netizen ay paano raw kaya kinakaya ng aktor na si Paulo Avelino, na nali-link sa aktres, ang kaseksihan nito?

Kung totoo man daw na totohanan na ang relasyon nila ay sobrang su­werte raw nito kay Kim. Bongga.­

Show comments