Aliw ang reaction ni David Licauco sa balitang ang Pulang Araw ang first Filipino series na ipapadala sa buwan. “Makikita na ako sa moon,” wika niya na ang ganda ng ngiti, hindi na tuloy nakita ang mga mata.
Makakasama ang PA sa ipadadala sa buwan next year. Kabilang ang historical series sa 35,000 capsule na ibabaon sa buwan around September-October.
Ginagawa raw ito para mareserba ang kultura ng 185 countries at kabilang sa isasama sa time capsule ang contemporary art, books, poetry, music, films, at TV shows. Ang PA nga ang napiling series from the Philippines.
Sa Pilipinas, isasama sa time capsule ang music ng SB19 na paniguradong ikatutuwa ng members nito at kanilang fans.
Xian, dinirek si Piolo!
Walang nilagay na caption si Xian Lim sa Instagram post niya na kasama si Piolo Pascual, pero na-excite na ang fans. May photo na may hawak na laptop si Xian na kanyang tsini-check. Parang TVC ni Piolo ang dinirehe ni Xian dahil may props sa paligid.
Sa isa pang photo, kausap ni Xian ang girlfriend na si Iris Lee na may hawak na tablet. Sa sumunod na larawan, makikita si Xian na may pinapanood na monitor na nasa harap niya at parang tsini-check ang nakunan na.
Puppets ang makikitang props sa set, kaya ang paniwala rin ng netizens, tungkol sa puppets ang TVC. Kung anuman at kung para saan ang project nila, waiting na ang fans ni Xian na in fairness, hindi nauubusan nang gagawin.
Kamakailan lang, Xian made his first solo flight as a student pilot at talagang nag-enroll siya sa flight school. Naghuhulaan ang kanyang fans sa susunod na gagawin ni Xian, pero wish nila, gumawa muna siya ng teleserye o pelikula dahil nami-miss na nila itong mapanood na umaarte.