Chito Miranda, inilahad kung bakit inaresto at ikinulong ang misis na si Neri Naig

Chito at Neri

MANILA, Philippines — Kasalukuyan pa rin umanong nakakulong ang dating actress turned negosyate na si Neri Naig sa Pasay City Jail hanggang sa sinusulat namin ito ayon sa isang insider.

Non bailable diumano ang kaso nitong syndicated estafa kaya kahit bailable ang ibang mga kaso.

Ito ay matapos diumanong magsagawa ng manhunt operation sa pangunguna ng mga tauhan ng Sub-Station 10 Pasay City Police sa pakikipag-ugna­yan sa Warrant and Subpoena Section, na nagresulta sa pagkakaaresto nga raw kay Neri Naig sa isang basement convention center na matatagpuan sa isang mall sa Pasay City noong Sabado (Nobyembre 23) sa ganap na 2:50 p.m. ayon sa kumalat na ulat kahapon.

Kahapon ay naglabas ng pahayag si Chito Miranda tungkol sa asawa. At nagbanggit siya ng ilang impormasyon tungkol sa kinakaharap na problema ng misis :

“Praying na ma-sort out na ang lahat ng ito...kawawa naman yung asawa ko

“Never nanloko si Neri, at never sya nanlamang sa kapwa.

“Never siyang kumuha or nanghingi ng pera kahit kanino man.

“Alam ng lahat yan.

“Tulong lang sya ng tulong hangga’t kaya nya.

“Minsan kahit di na nakakabuti sa kanya.

“Kadalasan nga, naaabuso na sya pero hinahayaan nya nalang, basta wala syang ginawang masama.

“Pinapa sa Diyos nya na lang.

“Tulad ngayon, endorser lang sya tapos ginamit yung face nya to get investors.

“Kinasuhan sya ng mga nabiktima.

“Tapos last week, bigla na lang syang inaresto for the same case kahit hindi pa sya binigyan ng notice na may bagong criminal complaint pala laban sa kanya, and di nya na-defend yung sarili nya.

“Wala syang nareceive na letter from the prosecutor, walang subpoena, walang kahit anong notice.

“Yung mga dati, nareceive namin nya, at nag comply sya, (alam naman ng lahat na madali kami mahanap sa Alfonso)

“Anyway, dinampot na lang sya bigla.

“(Nadismiss na yung mga similar na kaso sa ibang lugar, and we’re praying na sana ma-dismiss na din ito.)

“Wala siyang kinuhang pera sa ibang tao, lahat ng pera nila na kay Chanda, ang may ari ng Dermacare.

“Sobrang bait po ni Neri...as in sooobra.

“Eto yung babaeng kinulong ninyo without bail, habang nakalaya pa yung mga tunay na may kasalanan.”

Kalakip ng nasabing pahayag ni Chito ang mga photo ng misis na nagkakawanggawa.

Mabilis naman nagbigyan ng suporta si former Senator Kiko Pangilinan at handa raw siyang tumulong : “Narito kami handang tumulong Chito. Ang product endorser ay isang talent at hindi dapat nananagot sa iligal na gawain ng may ari at management ng isang korporasyon.

“Biktima rin si Neri tulad ng ibang nabiktima nung mga estafador sa likod ng kumpanya. Habulin dapat yung mga may ari. Nawa’y madismiss o maibalik ang kaso sa piskalya para sa preliminary investigation at ma lift o ma quash ang arrest warrant.”

Seth at Francine, halo-halo ang emosyon!

Nilalabanan nina Seth Fedelin at Francine Diaz ang pressure sa pelikula nilang My Future You.

Mga higanteng pelikula ang kalaban nila sa #MMFF50 - tulad nina Vilma Santos, Judy Ann Santos, Vice Ganda, Vic Sotto, Piolo Pascual at marami pang iba.

Pero anong meron at lesson ang My Future You, or advantage para panoorin sa Pasko?

“Parang pinaka-lesson - kung may pagkakataon ka bang pumunta sa past, may babaguhin ka ba para ‘yung future mo mabago or vice versa. So ‘yun ‘yung lesson niya, family love” sagot ulit ni Seth.

“Actually isa rin po sa main highlight or story nito ay ano ang kaya mong gawin para sa pamilya mo o mga mahal mo sa buhay. Kahit pa magkaiba ‘yung oras at panahon gagawin mo lahat ng sakripisyo, may babaguhin ka, para maging maayos o magiging magulo hanggang saan ang kaya mo para sa mahal mo sa buhay na hindi lang siya yung basta gusto lang namin ipakita ‘yung chemistry namin or or gusto lang namin magpakilig, hindi po ahh yung story na ito, puso talaga ang pinaka-gitna niya, so hindi siya mababaw lang na story,” sagot naman ni Francine sa aming interview.

 First time nila sa MMFF at first time din sa pelikula.

Pero confident si Ms. Roselle Monteverde ng Regal Entertainment sa movie na aniya ay very light at maganda ang story.

“Kasi ako naman confident ako sa movie namin. Because usually Christmas, people would like to find a good story. Something that they can spend watching movies with the family. And I’m sure we can give this one. It’s not just the love story. The narrative is good. Nandyan ‘yung kilig. Nandyan yung feel good and also have good vibes.

“Kasi ang ganda lang ng nangyari sa ending. What she really wanted for the family. It’s a big mystery. Kasi if you see the trailer, parang may mga wishes na kung saan na natupad sa pamilya niya. So there were like a lot of attempts.

“Panoorin niya na lang yung pelikula. How it will end,” katwiran ni Ms. Roselle.

Show comments