Mabigat ang kaso!

Noon pang Sabado nabalita ang isang aktres na naunang pinangalanang Alias Neri ng mga kagawad ng Pasay City Police, at nang malaunan ay itinago sa alias na Erin. Siya ay sinabing hinuli dahil sa mga arrest warrant na pinalabas ng korte ng Pasay kaugnay ng kasong paglabag sa securities and exchange law. Nagtakda ang korte ng piyansang 126,000 sa bawat kaso, pero may isa pang kaso ng sydicated estafa na walang piyansa kaya kahit magpiyansa siya, kulong pa rin siya.

Walang inilabas ang mga pulis na detalye ng kaso. Ni wala silang pahayag na opisyal kung sino nga ba ang nahuli nilang suspect sa basement ng convention hall ng isang mall sa Pasay. Pero sinabi nilang ang suspect ay number 7 sa pinaka-notorious na suspect sa listahan ng Presinto 10 ng Pulisya ng Pasay. At iyan ay dahil sa dami at bigat ng mga kaso. 

Wala pang statement si Neri tungkol diyan.

James, babawi sa mga nambudol

Aaminin kaya ni James Reid na may mga ginawa siyang mga maling desisyon kaya ngayon ay naghahabol ulit siya sa kanyang career?

Naging madali nga ang pagsikat niya na akala niya ganoon nga lang.

Nang may makausap siyang Koreano, akala niya ay iyon na ang susi para sa kasikatan niya sa buong mundo pero nabudol siya.

Nasira pa ang loveteam nila ni Nadine Lustre dahil naghiwalay na rin naman sila.

Si Nadine ay medyo nakakabawi na, ilang ulit nang nanalong best actress. Nakagawa na rin ng mga pelikulang hits sa takilya, at ngayon kasama pa sa pinakamalaking pelikula sa MMFF,  iyong Uninvited.

Samantalang si James ay balik na naman sa square one. Kailangang patunayan niya ang kanyang sarili ulit at naiwan na siya ng mga kasabayan niyang sina Alden Richards at Daniel Padilla.

Nawa’y maging matagumpay nga ang pagbabalik ni James sa teleserye o maging sa pelikula para mabawi niya ang mga nabudol sa kanya ng mga business partner niya.

Male starlet naglalasing ‘pag niroromansang jowang opisyal

Ibang klaseng bading din pala talaga si Government official. Akala namin ang tsismis na narinig namin noong araw ay tsismis lang, pero totoo pala. Ang tsismis noon naging boytoy ng bading na mataas na government official ang isang ­poging matinee idol. Ok lang daw sa una, pero nang malaunan ay lumabas na ang kanyang talagang gusto, ay ang matinee idol na ginagawa niyang babae sa kanilang relasyon. May mga informed sources noon na nagsasabing iyon ang dahilan kung bakit ang matinee idol ay nagumon sa droga at ang mga sumunod na pangyayari sa buhay ng aktor ang siyang kumumpirma ng lahat.

Ngayon mukhng nauulit na naman ang kuwento, isang poging male starlet na naman ang alaga ng government official, at kagaya rin nang dati, iyon ang ginagawa niyang babae. Pero sustentado naman niya iyon, bukod sa bahay at kotse. Pero kahit na sinasabing medyo bading din naman ang boylet kaya ok lang sa kanya ang nangyayari, ang nararam­daman daw noon ay abuso na dahil ayaw siyang tigilan ni government official halos araw-araw kaya naman daw laging naglalasing ang boylet para kung inaabuso man siya ay hindi na niya maramdaman.

 Ang lagi raw ipinamumukha ng government official sa boylet ay “Malaki ang gastos ko sa iyo kaya kailangang ibigay mo ang lahat nang gusto ko.”

Hindi shocking, basta ang bottonline, money talks. Pagdating sa dating gagawin ng lahat ng male starlet na mahirap tandaan ang pangalan pero nakaukit na sa buhay ng government official na malaki ang papel sa ating pamahalaan.

Show comments