Unang Hirit, may massive Silver Anniversary Celebration
MANILA, Philippines — Wow, silver (jubilee) anniversary na pala this December ng Unang Hirit.
Parang kailan lang nung nag-umpisa ito.
Pero ganun na pala katagal.
Yup, magce-celebrate sila ng historic milestone – 25 years of making Filipino mornings brighter!
Bilang longest-running morning show sa bansa, hindi na lang ito basta isang programa, naging bahagi na sila routine ng bawat Filipino sa pamamagitan ng maaasahang balita, makabuluhang serbisyo publiko, at nakakaakit na libangan tuwing umaga.
“25 taon na kaming naghahatid ng mga balita at mga sorpresa. Maraming salamat sa mga kasama naming gumigising ng madaling araw. Bahagi na ng aming buhay ang magpasaya sa inyo, magbigay ng pag-asa at maging alarm clock ninyo sa umaga at source ng mahahalagang impormasyon,” sabi ng isa sa mga haligi ng GMA Public Affairs na si Arnold Clavio. “Mula noon hanggang ngayon, walang pagbabago. Ang mauna kayo sa lahat ang dala-dala naming pangako hanggang sa susunod na 25 taon,” dagdag niya pa kahapon.
Habang patuloy na tumatatak sa mga manonood ang palabas, si Susan Enriquez ay nagpahayag din ng taos-pusong pasasalamat sa mga loyalista na sumuporta sa kanila mahigit dalawang dekada na.
At magaganap sa Dec. 6 ang National Unang Hirit Day kung saan nangako sila ng bonggang selebrasyon sa buong bansa.
Aasahan umano ang exciting on-ground activities, massive giveaways, and public service initiatives that embody the heart of Unang Hirit – sa Luzon, Visayas, or Mindanao.
Pero bago ito ay naglunsad na sila ng Sorpresa Bente Singko series, offering viewers unbelievable deals – like rice for just P25 per kilo or LPG for only P25. Yup, ganun kamura.
Bahagi rin ng kanilang selebrasyon ang newly arranged version of its iconic theme song na kakantahin mismo ni Jose Mari Chan, kasama ang rising star Zephanie and Mark Bautista.
Adding to the nostalgia, the beloved Sexbomb Dancers – na nagce-celebrate rin ng 25th anniversary – na magkakaroon ng reunion para sa special performance.
“As somebody na nag-umpisa sa Unang Hirit, 25 years ago, from day 1, you can just imagine the feels that I have. I am so excited,” hirit ni Suzi Entrata-Abrera. “Medyo nae-emotional nga ako minsan kasi silver anniversary. Who would’ve thought 25 years later we’re still doing this? At naa-appreciate pa rin kami ng manood kaya maraming maraming salamat sa inyong lahat sa pagtangkilik ng 25 years. At sa lahat ng taong dumaan sa show na ito on cam, lalo na ‘yung off cam at pinaganda nang husto ang Unang Hirit, maraming salamat sa inyo.”
Belle, na-catfish!
Imagine this: Nasa online forum ka at and you start befriending a random person you have just met there. Pero nalaman mo na he’s actually a really cute and smart dude, so you decide to pursue him.
In the process, nadidiskubre mo that this online friend and potential romance ay actually a catfish or someone na gumagawa ng fake identity online para makapanloko.
Ganito ang mapapanood sa Viu Original na How to Spot a Red Flag, starring Belle Mariano, Donny Pangilinan, and Jameson Blake, ang magbibigay-liwanag sa isang modern love story na tumatalakay sa mga isyu na pinagdaraanan ng maraming netizens.
Ang programa will be the first original story of Viu and ABS-CBN’s Dreamscape Entertainment after previously partnering to produce adaptations.
Kaya kung type n’yo ng romantic dramas with love triangles and realistic scenarios, the Viu Original How to Spot a Red Flag is the show for you.
Nag-umpisa na itong mapanood noong isang araw.
Fyang with Big 4 at iba pang ‘PBB Gen 11’ Housemates, nagpasaya sa libu-libong Kapamilya sa Bataan
Libu-libong Kapamilya ang dumagsa sa Bida Kapamilya sa Bataan nitong Biyernes (Nobyembre 22), hatid ang mga masasayang sorpresa mula sa kinagigiliwang PBB Gen 11 Housemates.
Bumida sa okasyon ang hatid na performances ng Big Winner na si Fyang pati ang kapwa Big 4 Housemates na sina Rain, Kolette, at Kai.
Hindi naman nagpahuli sa pagpapasaya sa libu-libong Bataañeno sina JM, Jas, Jarren, Binsoy, Dylan, Dingdong, Patrick, JP, at Marc. Nakisaya rin sina DJ JhaiHo, Ralph Malibunas, Eris Aragoza, at Zoomers lead star Criza Taa.
Pinamalas din ng ilang fans ang kanilang pakikipag-bayanihan sa ibang Kapamilya nang maghatid ng libreng sakay para sa mga pumunta sa event bilang pagapakita ng suporta sa minamahal na Kapamilya stars.
Layunin ng nationwide Bida Kapamilya event na mapalapit ang kinagigiliwang Kapamilya shows at stars sa mga Pilipino saan mang sulok ng bansa, bilang pasasalamat sa kanilang taos-pusong pagmamahal at suporta.
Ang susunod na Bida Kapamilya event, tampok ang stars ng primetime serye na Lavender Fields, PBB Gen 11 Housemates at iba pa ngayong Dec. 7 (Sabado) sa Taguig City.
- Latest