Jillian, kailangang humanapng madatung na jowa!
Ang bongga naman ni Jillian Ward na ala Barbie sa bago niyang hair color.
Ipinost niya ang kanyang new look kung saan marami ang napa-wow at pinusuan ang post niya na may caption na “Blonde.”
Bumagay nga raw sa young actress ang blonde hair na tila nagmukhang living doll.
Suot ang simpleng white spaghetti top ay lumutang din ang kaseksihan nito na mas pumayat na raw ngayon.
Ang iba naman ay sinabing para na itong Hollywood actress dahil sa buhok niya.
Isa nga si Jillian sa may magagandang mukha sa showbiz at siguradong mas gaganda pa ito habang nagdadalaga.
Pero may lovelife ba si Jillian?
Sayang naman ang ganda niya kung wala siyang jowa.
Pero ang payo ko sa kanya, ‘wag pumatol sa basta-bastang lalaki. Humanap siya ng madatung noh at gagawin siyang reyna. Hindi na uso ang basta gwapo lang, dapat may datung at hindi umaasa sa mga post lang. Hahaha. Bongga.
- Latest