Hindi ikinakaila ng dancer-turned actor na si McCoy de Leon na dumating din umano sa point ng kanyang career na nag-doubt siya laluna nung pandemic. Inakala niya na ‘yun na ang katapusan ng kanyang career. But God has other plans for him. Nang matapos ang pandemic ay unti-unting bumalik sa normal ang lahat hindi nagtagal ay naging sunud-sunod na rin ang kanyang assignments bilang actor.
Sinubok din noon ang kanilang pagsasama ng Kapamilya actress na si Elisse Joson nang magkahiwalay sila nung January 2023 pero pagkaraan ng ilang linggo ay nagkabalikan din sila.
Samantala, napakalaking break ang kanyang role bilang si David sa long-running and top-rating action-drama series na FPJ’s Batang Quiapo.
Bukod sa Diyos, malaki ang kanyang pasasalamat sa actor-director-producer na si Coco Martin dahil ito ang ang pumili sa kanya para mapabilang sa serye kung saan pati ang husay sa pag-arte ay napipiga siya.
Inspirasyon ni McCoy ang kanyang mag-inang Elisse Joson at Felize para lalo niyang pagbutihin ang kanyang trabaho.
Dingdong at Marian, walang tapon ang relasyon
Sa darating na Dec. 30, 2024 ay ise-celebrate ng celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang 10th anniversary bilang mag-asawa.
Ang couple ay ikinasal nung Dec. 30, 2014 sa Immaculate Concepcion Cathedral in Cubao, Quezon City. The following year, Nov. 23, 2015 ay isinilang ang kanilang first child na si Zia who just turned 9 years old last Saturday habang ang kanilang second child na si Sixto ay magsi-six naman on April 16, 2025.
Ideal couple na maituturing sina Dingdong at Marian na parehong hands-on parents sa kanilang dalawang anak.