Ivana, mahigit kalahating milyon ang accent chair sa bahay
Nagpa-house tour na si Ivana Alawi sa kanyang vlog na matagal nang nire-request ng fans and netizens.
Ito ‘yung dream house na pinagawa ni Ivana para sa kanya at sa kanyang pamilya. Matatandaang matagal-tagal din inabot ang construction nito kaya naman marami ring fans niya ang nag-aabang ng kanyang pa-house tour.
Sa pamamagitan ng kanyang latest vlog sa YouTube ay ipinasilip na rin ng aktres/influencer ang pinaghirapan niyang bahay.
“Matagal ko na pinag-iisipan kung magha-house tour ba ako or gagawin kong private ang house pero napag-isip-isip ko, I think sa sobrang dami niyo ng nagre-request, iha-house tour ko na kayo,” sey ng aktres.
“Gusto ko rin siyempre na makita n’yo ‘yung pinaghirapan natin,” dagdag pa niya.
Una niyang ipinakita ang kanyang eleganteng living room na aniya ay dream area niya raw dahil dito tumatambay ang barkada at pamilya niya.
Makikita nga agad ang kanyang bonggang furnitures at sala set na talaga raw ginastusan niya nang malaki.
“Dito talaga ako nag-invest sa mga Italian furniture. Dati kasi, hindi naman ako marunong ng mga ganyan. Pero na-realize ko, dapat ma-invest ka sa magagandang furniture na tatagal talaga,” sey niya.
Ipinakita ni Ivana ang favorite piece niya sa living room na kung tawagin daw ay Mama Chair at take note, nagkakahalaga ito ng P600,000.
“Pinag-isipan ko talaga kasi ang mahal niya. Parang P600,000 ‘to. It’s a statement,” aniya.
“This is limited edition kasi iilan lang ang meron nito sa mundo,” dagdag pa niya.
“This is actually also from Italy and iisa na lang ‘yung meron na color beige and I think, dito sa bansa, 2 pieces lang ang meron sa Philippines, so isa tayo sa may-ari,” paliwanag pa niya sa Mama Chair.
Isa rin sa agaw-pansin sa house ni Ivana ay ang kanyang dining chairs na paliwanag niya ay designed by the same company na nag-design ng Ferrari chairs.
“Alam n’yo kung gaano ko katagal ‘to pinag-isipan kung bibilhin ko ba siya or hindi. Kung sino’ng gumawa ng Ferrari chairs, ito rin ‘yung nag-design,” tsika niya.
Sa bedroom naman niya ay makikita ang view ng kapaligiran na bet na bet niya.
“Isa rin sa favorite ko talaga dito is ‘yung view. Alam niyong mahilig ako sa bundok and all and ganun ‘yung view niya paggising pa lang,” sey niya.
JM, nawalan ng respeto sa sarili?!
May pinagdaraanan ba ngayon si JM de Guzman?
Naitanong namin ito dahil sa kanyang hugot sa kanyang Threads account kahapon.
Sa post ng aktor ay sinabi niyang mahirap daw na ibalik ang respeto sa sarili. Pero kaya naman daw niya.
“respeto sa sarili.. mahirap ibalik. pero kaya,” aniya.
Sinisi rin niya ang kanyang sarili although wala na siyang ibinigay na detalye pa.
“Ako kasi e,” sey pa ng aktor.
Sa comment section ay nagtataka rin ang followers niya kung ano ang nangyari.
Pagkatapos nito ay nag-post na ulit ng bago ang aktor at mukhang masaya naman siya sa kanyang mga larawan.
Tiningnan namin ang previous posts niya at wala rin namang senyales na mayroon siyang dinaramdam or pinagdadaanan.
Makikita rin sa isa sa posts niya kahapon na naka-smile pa siya sa photo na may caption na “happy Sunday.”
Ang alam din namin ay masaya ang aktor sa kanyang love life ngayon dahil nga sa kanyang girlfriend na si Donnalyn Bartolome.
- Latest