Tatlumpung taon ang binilang nina Vilma Santos at Aga Muhlach para muling magkasama sa isang pelikula sa horror-triller movie na Uninvited, isa sa sampung pelikula na kalahok sa darating na 50th Metro Manila Film Festival. The powerhouse cast na kinabibilangan din nina Nadine Lustre, Tirso Cruz III, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Gabby Padilla, Elijah Canlas, Ketchup Eusebio, RK Bagatsing at iba pa. Ito’y pinamahalaan ng isa pang box-office director na si Dan Villegas under Mentorque Productions.
Ginulantang ng Mentorque Productions na pinamumunuan ng young enterprising producer na si John Bryan Diamante.
A Legal Management graduate, si Bryan ay naka-score ng deal with global media giant, ang Warner Bros.
During the grand launch ng pelikulang Uninvited na ginanap sa tatlong ballroom ng Solaire Resort – North, namataan doon ang mag-ama ng Star for All Seasons na sina Finance Secretary Ralph Recto at Ryan Christian.
Doon sa aming puwesto ay may kumalat na balita na si Finance Secretary Ralph Recto ang financier umano ang nasa likod ng Mentorque Productions na hindi naman kataka-taka.
Marami kasi ang nagtataka kung bakit ganoon na lamang kayaman ang 36-year-old producer na si Bryan Diamante.
Ano sa palagay mo, Salve A?
Sinira ang sariling record!
Alam mo, Salve A., euphoric pa rin ang pakiramdam ng lahat ng bumubuo ng pelikulang Hello, Love, Again na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards at pinamahalaan ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina and co-produced ng Star Cinema at GMA Pictures, maging ang KathDen fans dahil sa patuloy na tagumpay ng pelikula na umabot na ng mahigit isang bilyong piso ang kinita as of Saturday, Nov. 23.
Ang daming firsts ang nagawang record ng HLA na pangalawang tambalan pa lamang nina Kathryn at Alden.
Sinira ng tambalang Kathryn at Alden ang sarili nilang record, ang unang team-up nila nung 2019 sa pamamagitan ng Hello, Love, Goodbye maging ni Direk Cathy Garcia-Sampana at ng Star Cinema.